MIKAEL HININTAY ko sa labas ng resort si Aurora at ipinaubaya ko na kay Precy ang pag-asikaso sa booking namin. Pauwi na marahil siya nang tinawag ko ang pangalan niya. Natigilan siya at hindi ako agad nilingon. "Aurora, it's me." Pag-uulit ko. Ilang segundo rin ang itinigil niya bago tumuloy muli sa paglakad. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso. Amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak ng kaniyang buhok pati na rin ang pabangong gamit niya. Humarap siya sa akin at nagwika ng mga katagang halos dumurog sa durog ko ng pag-asa. "Maybe you have mistaken me for someone you know. If you don't mind, I have to go." May diin at class pero walang emosyon niyang turan sa akin. Mabilis siyang humakbang palayo sa akin at dahil makulit

