AURORA ISANG simpleng bahay ang tutuluyan namin ng kambal sa pagsisimula namin ng bagong buhay. Bagama't nag-alok si Zach na samahan kami para di mahirapang mag-adjust ay tumanggi ako dahil gusto kong panindigan ang desisyon kong itaguyod ng mag-isa ang mga anak ko. Tama na yo'ng paghanap niya ng matutuluyan namin. Balak kong magtayo muli ng isang bakeshop para may mapagkakitaan ng ikabubuhay namin ng mga bata. Tinawagan ko na rin sina nanay para ipaalam kung nasaan kami ng mga bata at kung anong nangyari sa amin ni Mikael. Gaya ng inaasahan ay misa ang inabot ko kay nanay pa lamang, halos wala namang imik si tatay ngunit nasisiguro kong sobra ang galit niya ngayon kay Mikael. Wala pa naman daw anino ni Mikael ang tumuntong sa bahay namin sa probinsya. Naging abala ako sa pag-aasi

