AURORA MAAGA akong nag-impake ng mga gamit namin ni kambal. Kinausap ko sila kagabi at ipinaintindi sa kanila ang sitwasyon namin ng daddy nila at kung bakit kailangan muna naming lumayo. Sobrang thankful ako sa pagkakaroon ng mga anak na sa murang edad ay nagagawa nang intindihin ang ganito kabigat na sitwasyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko kayang makipag-ayos kay Mikael, at balewalain ang nangyari kahit pa para sa mga anak namin. Ayaw kong magbilang ng sakripisyo na ginagawa ko para sa mga bata at sa mga sakripisyong gagawin ko pa para sa kanila, ngunit sa ngayon ay gusto ko munang lumayo kami. Gusto kong lumayo para mas makapag-isip ako ng maayos at maisip rin ni Mikael ang ginawa niya. Pagmulat ng mata ng kambal ay agad ko silang inasikaso. Bago pa man ako mag-impake ay nakapaglu

