AURORA PUSPOS ng pasensya at pagtitiis na sinuyo ni Mikael ang mga magulang ko para makuha ang kanilang basbas sa relasyon namin. Magmula sa pangangahoy at pagsisibak, pag-igib sa bukal ng bundok ng maiinom na tubig gano'n din sa mga gawain sa bahay ay walang pag-alinlangan niyang ginawa. Hindi naman nakatakas sa mapanuring paningin ng mga kapitbahay ang mga ginagawa ni Mikael. Nang minsang tulungan ako ni Mikael sa pagsampay ng mga nilabhan kong mga damit ay tila nakapagpigil ang isang kababata ko na pumunta sa bakuran namin para makiusisa. Ayon sa balita ko ay hiwalay na ito sa kanyang asawa at nasa pangangalaga niya ang kanilang anak. "Uy Aurora! Long time no see ah?" Malakas na bati nito sa akin na obvious namang nagpapansin lang kay Mikael na kasalukuyan pa ring nagsasampay. Ngini

