AURORA ALA-SIYETE na ng gabi nang makarating kami sa Dalahican Port at bumili ng ticket para maisakay ang kotse ni Mikael sa barko. Mga apat na oras ay naroon na kami sa Marinduque. Habang papalapit kami sa kinagisnan kong probinsya ay lalong dumadagundong ang dibdib ko. Ito ang unang beses na makakaharap ng pamilya ko si Mikael at hindi naman lingid sa akin ang galit ni tatay sa kanya dahil sa nangyari sa relasyon namin four years ago. Si nanay bagama't may sama rin ng loob ay alam kong mauunawaan niya ang choices ko lalo na kung para sa mga anak ko. Habang nasa biyahe ay nagdesisyon kami na matulog din muna ni Mikael. Kahit nakapikit ako at pinipilit ang sarili ko na matulog ay inuunti-unti ko na ang pagcompose sa isip ko ng sasabihin sa pamilya ko. Paglipas ng halos apat na oras ay

