AURORA KINAKABAHAN man ako ay pumayag na din ako sa gusto ni Mikael na makilala ang pamilya ko. Para akong teenager na kinakabahan dahil sa pagpapakilala ng manliligaw. Nasa tamang edad naman na ako kaya hindi sa usaping edad ng pag-aasawa ako natatakot sa magiging reaksyon ni tatay kundi kay Mikael mismo. Nang mag-isa akong nagpalaki ng kambal at nagsumbong ako tungkol sa naabutan ko sa mansion ay abot sa kalawakan ang galit ni tatay sa kanya. Kailangan ni Mikael ang back-up ko dahil ako naman ang may kasalanan kaya galit sa kanya ngayon si tatay. Kung hindi ba naman kasi ako nuknukan ng sumbungera eh. Hays. Hindi muna ako tumawag sa kanila na papauwi kami doon para may element of surprise. Surprise nga ba? Natatakot lang kasi ako na kapag nagpasabi agad ako baka nasa bungad pa lang k

