MAGKASAMA kaming bumisita ni Mikael sa mansion ng kapatid niya para ipasyal rin ng kambal. Panay na rin kasi ang tawag ng mommy niya para itanong kung kailan daw ba kami ulit bibisita. Nang makarating kami agad sinalubong ng mommy niya ang kambal na halatang sobrang miss na niya ang mga bata. Naabutan rin naming nagmemeryenda ang wedding organizer at planner na hinire ng mommy ni Mikael para sa big day namin. Nanumbalik na naman sa akin ang awkward na pakiramdam sa pagpaplano na kung saan ay parang balewala ang mga suggestions ko. May tiwala naman ako kay Mikael na maaayos rin niya ng maayos ang ganitong usapin sa mommy niya. "Oh, hijo! You're here. Akala ko ba ay busy ka?" masayang tanong sa kaniya ng mommy niya at niyakap ng mahigpit na may kasamang pag-amoy na parang umaamoy sa isan

