AURORA MALABO na ang mga mata ko dahil sa luha habang lulan ng taxi ngunit walang kasiguraduhan kung saan patutungo. Wala akong pakialam kung mukha na akong uhugin sa paningin ng driver na kanina pa ako pasimpleng sinusulyapan sa salamin. "M-miss, saan ka bababa?" nahihiyang sabi ni manong driver. Maagap kong pinahid ang mga luha sa mga mata ako at tumingin sa labas. Nang may makita akong mall ay agad akong pumara. Magliliwaliw na lang ako muna ako sa mall para gumaan ang pakiramdam ko. Inoff ko rin ang cellphone ko para wala munang makatawag sa akin. Hindi ako dumiretso kina Jenna dahil alam kong madali lang ako matutunton doon ni Mikael. Nasaktan man ako sa sinabi sa akin ng mommy ni Mikael ay di naman ako galit kay Mikael. Sadyang hindi ko pa lang kaya na makipag-usap sa kaniya,

