AURORA TULOY NA TULOY na ang Maldives getaway namin ni Mikael at nakakakilig talagang isipin na para kaming magboyfriend-girlfriend na magdidate sa malayong lugar o mas tamang sabihin na honeymoon dahil may kambal na kami. Makalipas ang ilang oras ng biyahe sa eroplano ay sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang sinasabi nilang jet lag. Nang makarating kami sa Anantara Veli Maldives Resort ay literal na napaawang ang bibig ko sa ganda ng tanawin at kinurot ko pa ang sarili ko para siguraduhing hindi ako nananaginip lamang. Para kaming nagdesisyong manirahan sa isang tunay na paraiso. Para alisin ang pagod dahil sa malayong biyahe ay agad kaming dumiretso sa spa ng resort. Ang bawat hagod ng magaan at banayad na palad ng massage therapist ay pinawi ang lahat ng pagod at stres

