AURORA PAKIRAMDAM ko lutang ako dahil sa sinabi sa akin ni Jenna. Gusto ko sana na hayaan na lang ang nalaman ko pero may parte sa loob ko na gusto ko ring itanong yo'n kay Mikael pero hindi ko naman alam kung paano. Busy ako sa pag-impake ng mga gamit namin patungong Maldives pero wala akong focus. "Wife, do you have any problem?" Seryosong tanong ni Mikael habang malalim ang tingin sa akin. Bigla akong naulian ng diwa nang magsalita siya, "W-wala naman. Ano namang magiging problema ko?" "I don't know, that's why I am asking you," seryosong sagot niya habang hindi inaalis sa akin ang tingin niyang nagdududa. Gusto ko na itanong habang di pa kami nakakaalis. Baka naman pag nakita ko na ng personal ang ganda ng Maldives na sa picture ko lang nakikita ay makalimutan ko na ang tungkol

