Desaree Alinea's View Dahil sa naging pangyayari ay hindi ko itatanggi na labis akong naapektuhan nito. Nang tahakin ko ang landas na ito ay ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ako mamamatayan ng pasyente. Nang ako'y maging isang ganap na Surgeon ay itinaga ko na sa bato na gagawin ko ang lahat para magligtas ng buhay. Alam ko naman na huli na ang lahat nang makita namin si Manang Rosa at nag-aagaw buhay na siya, ngunit sa maiksing sandaling iyon ay itinuring ko na siyang pasyente ko. Tama naman si Sire. Hindi ako ang Diyos kaya hindi ko maililigtas ang lahat ng magiging pasyente ko. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang ibigay ang lahat ng kakayahan at kaalaman ko, ngunit ang paggaling nila ay nakadepende na sa kanila at sa Diyos. Buong biyahe pabalik sa hospital ay naging tahim

