Sinulit ko ang bawat oras, minuto at segundo na kasama ko si Sire dahil walang kasiguraduhan kung bigla na lamang siyang mawawala sa tabi ko. Sa bawat pagdilat ng aking mga mata ay natatakot ako na baka maglaho na siya. Bawat sandali ay ipinapadama rin namin sa isa't-isa ang tamis ng aming pagmamahalan. At ayoko mang aminin ay tama ang sinabi noon nila Tess at Lou. Ang isang bagay na hindi ko pinaniwalaan noon ay nararanasan ko ngayon. Dahil tunay ngang sa una ay ipaparamdam niya sa'yo na ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo, ngunit matapos nito ay halos hindi ka na niya papapahingahin at magigising ka na lamang na buong parte ng katawan mo ay sumasakit. Because as gentle as Sire is the first time we made love, Sire is also a rough lover. Alam ko naman ang mga consequences ng mg

