Desaree Alinea's View "God, please. Not again. I barely had him again. Huwag mo naman siyang kunin muli. Muntik na siyang mawala sa akin dati." ang taimtim na dasal ko sa Panginoong Diyos habang kasalukuyang nasa loob ng Operating Room si Sire. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko at gulo-gulo na ang buhok ko. Ang aking puting damit na malinis kanina ay nadungisan na ng dugo ng lalaking mahal ko. Wala na akong paki kung nagtataka ang mga kasamahan ko sa trabaho sa inasal ko. Wala na rin akong paki kung nakumpirma na ba ang mga hinala nila tungkol sa amin ni Sire. Wala na rin akong paki sa mga sandaling ito kung ako man ay mapatalsik sa Hospital na ito dahil ang tanging gusto ko lamang ay maging ligtas si Sire. "Bunso, magiging ayos siya, hm?" pagbibigay lakas ng loob s

