Sire Jensen Austere "Welcome back, brother." Maurice mocked and tapped my shoulder. I winced before sending him a glare at muling ibinaling ang mga mata sa labas kung saan unti-unting lumiliit ang isla ng Batanes. Ang lugar kung saan ipinanganak ang isang Jacko Pascual, ang lugar kung saan naging saksi sa matatamis na sandali naming dalawa ni Desaree Alinea. Desaree. Hanggang ngayon ay may pait pa ring kakambal ang pagsambit ko sa pangalan niya. May kalakip na kirot sa puso ko at parang hindi ako makahinga sa isipin pa lang na magkakalayo kami. Na hindi ko na siya makikita pang muli. My rose. Indeed, roses have thorns. And I let her hurt me with it. "Looking at your face now, why do I feel like you are hurting more than her? Tsk. Ang lakas mong sabihin na ayaw mo na siyang makit

