Chapter 4

2983 Words
HE CHUCKLED once again, and it reverberated in all four corner of the room. Ewan ba niya pero bakit tila napakasarap pakinggan ng pagtawa nito? Nahihibang na ba siya? "Bakit hindi mo pa kasi ako sagutin, saan mo dinala ang mga kaibigan ko at bakit ako naririto?" "I'm confident that I could answer your question if you could tell me how you're feeling right now, baby?" "Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? At puwede ba huwag mo akong matawag–tawag na sweetheart, FYI I don't even know you. "pasupladang aniya. Iyon lamang ang alam niyang paraan upang itago ang kaba at kahihiyaan niya pero nginitian lamang siya nito. Ang bughaw na mga mata ay matamang nakatitig sa kanyang mukha at hindi niya nagugustuhan 'yon. It causes her heart to race even more. "Uulitin ko, sweetheart, ano ang nararamdam mo ngayon? Nahihilo ka pa ba? May iba ka pa bang nararamdaman?" Naging masuyo ang tinig nito. Kung mayroon man siyang nararamdaman ngayon iyon ay kahihiyan pero tila wala lang sa lalaking ito ang namagitan sa kanila kani–kanina lang. he was talking to her as if nothing happened between the both of them. Damn him! "I am no longer dizzy and all I want now is to get out of this place," she responded, kusang iniwas ang paningin. Hindi niya yata kayang salubungin ang mga titig nito sa kanya sapagkat lalo lamang bumibilis ang pintig ng puso niya at ngayon lamang ito nangyayari sa kanya. Naiinis si Vanessa dahil hinalikan siya ng lalaking ngayon kahit pangalan nito ay hindi niya alam. He was completely stranger to her and yet he stole her first kiss. Tampalasan! "I'm glad you're all right now, sweetie. Now please come with me," inabot nito ang palad niya at hinawakan nito iyon. "Huwag mo akong hawakan!" Pumiksi siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya. "The table has been set for you, my darling. Let's get some food, shall we? I'm hungry, and I'd eat a horse," he replied, restraining her hand once more. Sinubukan muli niyang kumalas sa pagkakahawak nito sa kamay niya pero maghigpit ang pagkakahawak nito. Ang sunod nitong ginagawa ay binuksan ang pinto pagkatapos ay ginayak siya nito palabas ng silid. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. Paglabas nila ay saka naman tumunog ang telepono nig lalaki. Kinuha nito 'yon mula sa bulsa pagkatapos ay binitawan nito ang kamay niya at bahagyamg lumayo sa kanya upang makipag–usap sa nasa kabilang linya. Naiwang nakatayo sa may living area si Vanessa. Ipinagpapasalamat niya iyon dahil pakiwari niya ay lalabas na ang puso niya mula sa loob ng dibdib niya sa labis na pintig n'yon. Pinagala niya ang paningin sa kabuuan n'yon. She was secretly enamored with the property; the living room wasn't very spacious, but it was adequate for his needs. There was a large television on the wall that was roughly sixty five inches in size with a gray wooden cabinet beneath. Doon nakalagay ang mga remote and speakers sa magkabilang bahagi n'yon. The sofa appeared to be quite comfy, and it was gray in color, similar to the sofa inside the room, but with adistinct design, as well as the square table in the center. Nasa ibabaw n'yon ang back pack niya at ang camera niya. Kakulay din n'yon ang malabalahibong carpet sa sahig. May magandang desinyo rin ng ilaw sa bahaging gitna ng sala. Sa kabilang bahagi naman ay ang dinning area. A six-piece set of pricey wooden chairs and a woodentable were provided. There was already food on top of it. Kagaya ng tinuran nito sa kanya. The open kitchen was accessed from the dining room's left side. The white cabinetry gives the kitchen a clean and tidy appearance. In the centre, there was a dark gray islandcounter with three pairs of stools in the same color. Bukod doon ay wala na siyang ibang nakikitang mga kagamitan. Maaliwas ang living area. Pawang mga gamit na kailangan lamang nito ang naroroon. Gray at itim ba ang paboritong kulay ng lalaking ito? Lihim siyang nakaramdam ng katuwaan dahil kaparis ng estranghero ay paborito rin niya ang mga kulay na 'yon. Subalit nanigas siya sa kinatatayuan nang matuon ang paningin niya sa glass wall at buhat roon ay nakikita niya ang nagtatataasang mga gusali mula sa ibaba. "Oh no! Is she still in Burj Kalifa Building? Why the heck her friends didn't take her down to the first floor? Does it mean that this stranger lives in here? Where are her friends, anyways? Hindi pa siya sinasagot ng lalaki kung na saan ang mga kaibigan niya." Nakaramdam siya ng matinding pagkalula at panghihina ng mga tuhod. Gustong umikot ng paningin niya. Pakiwari niya ay mahuhulog siya. "Hey! It's all right, sweetie, you're safe here," maagap na wika ng lalaki na kaagad pinutol ang pakikipag–usap sa kabilang linya. Marahil ay napansin nito ang pamumutla niya. Ginagap nito ang palad niya at marahan 'yon pinisil. "Walang masamang mangyayari sa'yo rito, baby. Ang sunod nitong ginawa ay ikinulong nito ang mukha niya sa magkabilang palad nito. "Don't look outside, Look at me, sweetiepie," he commanded na kaagad niyang sinunod. "I'—I'm—scared..." "You don't have to, I'm here with you. I promise I won't leave you," "Oh...please just take me down to the ground floor," "Hush...it's all right, sweetie. Aabutin ko ang remote at isasara ko ang kurtina. What I want you to do now is to keep your eyes on me, can you do that?" Masuyong sabi nito sa kanya na tila ba isa siyang bata kung kausapin, pero ang nakapagtataka ay napapakalma siya nito. May kakayahan itong bigyan siya ng lakas upang hindi siya gano'n matakot. Kung nakaya niyang sumakay ng eroplano sa pagpunta niya rito sa Dubai tiyak na kaya rin niyang panlabanan ang takot niya ngayon. Pero hindi naman siya dumungaw sa bintana ng ereplano at ibang case iyon kumpara sa nararanasan niya ngayon. Paano kung mawalan na naman siya ng malay katulad kanina? She nodded and followed his instructions. She didn't look out the window; instead, she focused on his lovely face. Leon took the remote control and pressed the left button to close the curtain and the lower button to turn on all of the lights inside. Namalayan na lamang niyang nasa harapan na niyang muli ang lalaki. He softly squeezed her hand in his and caressed her cheek with his other hand. His gaze was locked on her. Nakikita niya sa kislap ng asul nitong mga mata ang pag–aalala. At bakit naman ito mag–aalala sa kanya? They barely knew each other, at hindi pa niya alam ang oangalan nito. Hindi kaya dinadaya lamang siya ng kanyang paningin? "Kumusta ang pakiramdam mo? Natatakot ka pa rin ba?" Tanong nito sa kanya marahang hinahaplos ang pisngi niya. Umiling siya. May pakiramdam siyang biglang nanuyo ang lalamunan niya at hindi niya magawang makapagsalita. Hindi na rin magtataka si Vanessa kung maririnig ng lalaking ito ang lakas ng t***k ng puso niya. Nakadagdag pa sa tensiyon at pagbilis ng kabog ng dibdib niya ang klase ng mga titig nito sa kanya. Matamis siyang nginitian nito at sinabing; "Great. Let's have lunch together, sweetie," Iginiya siya nito patungo sa dinning area habang hawak–hawak pa rin ang kamay niya. Binitawan lamang siya nito upang ipaghila ng upuan. "Have a sit, sweetie," anito na hindi niya malaman kung bakit pumayag siya sa pagmamando nito. Umikot ito sa mesa pagkatapos ay inukopa nito ang upuan sa katapat niya. Ang sunod nitong ginawa ay naglagay ng brown rice at dalawang klase ng ulam sa pinggan niya. "Please eat," dagdag pa nito sa nakangiting mga labi. Vanessa couldn't say anything. Ang alam lang niya ay malapit na siyang mabingi sa lakas ng dagundong ng dibdib niya. Sa tingin din niya ay masasarap ang putahing nakahain sa mesa. Hindi niya maiwasan huwag makaramdam ng gutom. "Chill, sweetie, it's just me. At gusto ko ay kumain ka ng maayos," ngumiti na naman ito sa kanya. "It's easy for you to say that!" anang isip niya. But she felt so especial sa ginagawa nito sa kanya at nagtataka rin siya kung bakit ganito siya trayuhin ng strangherong lalaking ito. At hindi niya maiwasan huwag lalong humanga at makaramdam ng kasiyahan. Ngunit sa maraming pagkakataon ay kaagad din niyang kinitil ang damdaming pinupukaw ng estrangherong lalaki. This guy kissed her and touched her breast earlier bakit ngayon ay humahanga siya rito? And she doesn't know him. Baka nga may balak itong masama sa kanya. Baka naglagay ito ng pampatulog sa pagkain niya at kapag nangyari iyon ay magagawa na nito ang nais sa kanya. "I'm not hungry," simpleng aniya. Kahit ang totoo ay gusto na niyang maglaway sa gutom. Ang huling kain niya ay kaninang umaga bago sila sumakay sa tour bus at kapirasong bread at kape lamang iyon. "I'll answer all your questions after we eat and don't worry these foods are safe." anito na tila nahulaan ang nasa diwa niya. "Trust me, sweetiepie, hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo. Unless you hit me again, in which case I can't promise you I won'tkiss your lips again," he continued, winking at her. Namula siya sa tinuran nito nang maalala ang ginawa nito. "Bakit kailangan mo pang patagalin gayon puwede mo naman sabihin sa akin ngayon," "Lalamig ang pagkain, sweetipie." sagot nito bago sumubong muli. Wala siyang nagawa kundi ang simulan ang pagkain. Sa nakikita niya ay walang balak ang lalaking ito na sagutin ang mga tanong niya hanggat hindi nasusunod ang gusto nito. Padabog na inabot niya ang kutsara pagkatapos ay nagmarakukyong sumubo. "Slow down, sweetiepie, that spoon won't be able to defend itself." nakakalokong sabi nito. Sinamaan niya ito ng tingin pero ginantihan iyon ng matamis na ngiti ng lalaki. "Gusto mo akong kumain hindi ba? Heto kumakain na ako para wala ka ng dahilan para hindi mo sagutin ang mga katanungan ko," "All right sweetie, my name is Leon Miguel De Guzman. I' m a business man as well as an orthopedic surgeon." Napaangat ang akmang pagsubo niya ng salad nang pormal na ipakilala ng lalaki ang sarili. "And I'm not your sweetie," Ngumiti lamang ito sa kanya at hindi pinansin ang tinuran niya. "Nawalan ka ng malay nang makita ko kayo ng mga kaibigan mo sa labas ng elevator, they told me that you have an acrophobia, and as a doctor myself nagmakandang loob na akong tulungan kayo." Vanessa was speechless, but she knew she had to thank him for assisting everyone, particularly her. "T—Thank you..." aniya nang huli. Napakagat siya ng ibabang labi at nakaramdam ng pagkapahiya sa inaasal niya. She owed him for helping her, after all. Kung sinabi lamang nito kaagad ang dahilan 'di sana ay naging maganda ang pakikitungo niya rito. He can't blame her, she was alone and with a stranger when she opened her eyes in an unfamiliar room. Sino ang hindi mag–iisip ng masama? Idagdag na rin ang sinabi nito sa kanya kanina. Oh dear. Umakyat na naman ang dugo sa magkabilang pisingi niya nang maalalang muli ang pananakop nito sa mga labi niya kanina. "My pleasure, sweetheart. Kahit sino naman ang unang makakita sa'yo ay tutulungan ka. But I'm pleased I saw you first," he remarked with a smile. Nahihiyang ginantihan niya ng ngiti si Leon. "Uhm... ang mga kaibigan ko nga pala?" sinubukan niyang maging pormal sa kabila ng tensiyong nadarama niya sa loob ng dibdib niya. "They'll be back anytime soon, niyaya lang sila ng kaibigan kong kumain sa restaurant sa ika 122nd ng gusaling ito," "Pasensiya na sa abala, Doctor Leon. Sa pagkakatanda ko kasi ay itinawag na ng tour guide namin sa kasamahan niya ang hintayin kami sa first floor ng gusaling ito, pero kagaya ng sinabi mo nawalan ako ng malay and I don't know what happened. Thanks to you again. "It's nothing at all, honey, I'm always pleased to lend a hand, especially to such a lovely lady as yourself. And please call me, Leon." He said sincerely. "Kung sinabi mo lang sana ng maaga ay hindi na sana kita nagawang sampalin at hindi na rin sana nangyari ang hindi dapat," she said, as she spoke about the kissed, she blushed even more. "Oh...I apologize for being nasty earlier, honey, but to be honest with you, I have no regrets about tasting your lips," Pakiwari ni Vanessa ay lalong nagkulay kamatais ang magkabila niyang pisngi sa tinuran nito. "Ang pangalan ko ay Vanessa Colantes. I really appreciate your help, L–Leon." "You have a lovely name, sweetheart." "Magkano ang dapat kong bayaran sa'yo, Leon." She said direct to the point. Hindi na niya kailangan magpatumpik–tumpik pa. "Pardon?" Napaangat ang akmang pagsubo nito kasabay nang pagkunot ng makinis nitong noo. "Doctor ka at tinulungan mo ako, nararapat lang na magbayad ako sa'yo, hindi ba?" "Whoa! I'm not expecting anything in return for my assistance, and I'm not asking you to pay me, sweetheart. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagpapabayad ang mga Doctor. Besides, I'd be happy to assist a pretty damsel in distress like you at any moment." he said as he continued eating. "However, I'll be please if you enjoy your meal, Ness." Napatitig si Vanessa sa mukha nito nang bigkasin nito ang pangalan niya. Hindi niya alam na napakaganda pala ng nick name niya kung nanggagaling mismo kay Leon. Ito lamang ang lalaking tumawag sa kanya sa palayaw niyang iyon maliban sa mga magulang niya. Inabot nito ang telang napkin sa mesa saka pinunasan nito ang bibig. ""Hindi mo ba nagugustuhan ng mga pagkain, sweetie? Oorder ako uli para sa sa'yo," anito na tumayo buhat pero pinigilan niya ito. "N–no! A–ang i–ibig kong sabihin ay masasarap ang mga pagkaing nakahain sa mesa kaya hindi mo na kailangan umorder pa," pagkasabi niya n'yon ay mabilis niyang sinimulan ang pagkain. "Are you sure, honey?" She lifted her thumb in return as she continued to eat. Needless, to say the rapid beats of her heart inside her chest. Leon gave her a warm smile and sat back in his chair, his arms crossed over his chest, as his gaze fixed on her. "Paano ako makakakain ng maayos kung titig ka ng titig sa akin," she complained. "I apologise, honey, it's difficult not to be distracted by the lovely lady in front of me," She rolled her eyes, but didn't say anything against him. Kahit ano pa yata ang sabihin niya rito ay hindi rin niya ito maaawat. Hahayaan na lamang niya ito sa kakatitig sa kanya kahit pakiramdam niya ay matutunaw siya sa klase ng mga titig nito. Isa pa'y ito na ang una at huling magkikita sila ng lalaking ito, dahil pagbalik ng mga kaibigan niya ay aalis kaagad sila. However, the possibility of never seeing him again made her sad. Ngunit kaagad niyang isinantabi ang damdaming iyon. At bakit naman siya malulumbay kung hindi niya ito makikitang muli? Oo, guwapo ito, at walang sinumang kabaro niya ang hindi mahuhumaling sa pisikal na kaguwapuhang taglay nito. Sumisigaw ang karisma nito at nakatitiyak siyang marami nang mga matang napaluha at mga pusong nadurog dahil sa matamis nitong mga ngiti. And oh dear, she would not let herself be one of those women drooling over him—sa isang maginoong bastos na kagaya nito. Inabot niya ang basong may lamang tubig saka ininom 'yon. "Tapos na akong kumain, maaari bang tawagan mo na ang kaibigan mo na bumalik na sila rito? Tinaasan siya nito ng kilay. "Tapos ka na? Hindi mo naman yata ginalaw ang pagkain mo ah," "Eh, ikaw akala ko ba gutom ka? That you could eat a horse?" Humagalpak sa tawa si Leon sa tinuran niyang iyon. At pakiramdam ni Vanessa ay napakasarap n'yon sa pandinig niya. Hindi niya napigilan ang sarli na huwag mapangiti pero kaaagd din niyang sinaway ang sarili. "You never fail to make me laugh, honey," "At kanina ka pa. honey ng honey, sweetheart at sweetie sa akin, stop it already." Tumawa itong muli at sa pagkakataong iyon ay napahawak na ito ng sariling sikmura, as if may nakakatawa sa sinabi niya. Tumigil lamang ito sa pagtawa nang biglang bumukas ang pinto at pumasok buhat doon ang isag guwapong lalaki kasunod nito ang mga kaibigan niya. Kaagad siyang tumayo at sinalubong ang mga ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo, best?" Halos magkapanabay na tanong ng mga kaibigan niya. "Ayos na ang pakiramdam ko at kailangan na rin natin umalis," aniya. "Huh? Aalis na tayo kaagad?" Si Rose na makikitaan ng pag–aalinglangan. "Ah best si Laith nga pala, kaibigan ni Leon. Pasensiya ka na kug wala kami sa tabi mo paggising mo," si Sarah na ipinakilala ang katabing lalaki. "Please to meet you, gorgeous," nankangiting inilahad ni Laith ang palad upang makipag kamay sa kanya. "Hi, I'm Vanessa Colantes, the pleasure is mine," tinanggap niya ang palad nito. Katulad ni Leon ay ubod ng gandang lalaki rin si Laith na may kulay abo ang mga mata. Bukod yata kay Michael at brother–in–law niyang si Lohan ay nasalo na yata ng dalawang lalaking ito ang lahat ng biyayang pisikal na ipinagkaloob ng diyos. "Mga best kailangan na natin umalis," pagkatapos makipagdaupan ng palad kay Laith. Kinuha niya mula sa ibabaw ng mesa sa living room ang mga gamit niya saka tumingin sa gawi ni Leon na sigurado siyang sa kanya nakatitig ang asul nitong mga mata. "Thank you, uli Leon." She said as she turned her back. "Lets go, girls." Gusto pa sanang magprotesta ng dalawang kaibigan niya pero tinungo na niya ang pinto. "I'll come with you, Ness." Sinamaan niya ito ng tingin pero ginantihan iyon ng matamis na ngiti ni Leon. " Just want to make sure na maayos ang kalagayan mo hangang sa ground floor," "I'll be fine, no thank you." "I insists, honey," Lihim siyang napatiimbagan. "Bahala ka." Tumungin siya sa gawi ng dalawang babae. Naglalaro sa sulok ng mga labi ng mga ito ang hindi maitagong ngiti. Great! Sigurado siyang tutuksuhin siya ng mga ito habang daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD