Game 17 - Final Fantasy

1378 Words
Jared Nakadungaw ako sa balkonahe ng condo holding a bottle of beer at sa kabilang kamay, hawak ko ang garnet ring. Malayo ang tingin. It's been three days. Walang paramdam from Aly. Lumapit sa akin si Luke. "Yo, umalis na yung cleaner. Tignan mo yung unit mo, lumines na." Hindi ako sumagot at tumungga lang. “Bro, you still need to take care of yourself.” Tinapik nya ako sa balikat. Ramdam ko yung concern ni Luke. Huminga ako ng malalim at napangiti ng pilit. "I don't know what to do, bro. Mahal na mahal ko si Aly. If only I listened to you, baka hindi nangyari to.” Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. “I never meant to hurt her, pare." Namumugto ang mga mata ko. Pinisil lang nya ang balikat ko. "Antayin mo lang, bro, baka naman tumawag, di ba?" Sarkastik akong umiling. "Ngayon ko lang naramdaman 'to, pare. Sobrang sakit. I think I really lost her this time." Tungga ko. Kinuha nya ang phone ko sa mesa at iniabot sa akin. Tinignan ko lang yon. “I can't find her." "But someone might." *** Luke left. Nakaupo ako sa harap ng mini bar ng condo ko. Pinindot ko ang live button. Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng nasa dibdib ko. Nakatapat lang ang cellphone sa mukha ko. Nakikita ko ang pagpasok ng mga viewers at comments. Pero hindi ko alintana ang mga nakasulat. It took me a short while before I could muster the courage to speak. "I... lost someone... Alyson. Alyson Dimaano. Aly, I don't know kung makakarating sayo ang message na to. Sana. Sana, kasi hindi ko na alam yung gagawin ko, e… I didn't mean to hurt you. I... I tried to tell you the truth. The truth that I was the same weirdo who loved you in high school... yung same loser na patay na patay sayo nong high school. Inaamin ko, at first, gusto ko lang maglaro... pero that changed, because I realised na mahal na mahal na mahal pa rin kita, Aly." Dito na bumagsak ang luha ko. "I'm so sorry. Ang tanga tanga ko. Please naman, o. Bumalik ka na. Sobrang sakit na..." Pinilit kong pigilan ang paghikbi pero patuloy lang ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. *** Another lifeless day at the office. Feeling demotivated for the past few weeks. My video got 2 million views and tons of shares—but no sign of Alyson. Maricar flew back to Australia a week ago. We never spoke after our last heated argument. I just keep walking and walking sa game na nilalaro ko. Walang direksyon. I don’t know why I am even playing. Hawak ko lang ang controller, just randomly pressing buttons. “Sir,” malumanay na kalabit sa akin ni Nancy. Hindi ko sya nilingon. “M-May naghahanap po sa inyo.” Nagbuntunghininga ako. “If that's the new tester, pa-interview mo na lang kay Ivan.” "Um, ibang babae po yung naghahanap sa inyo–" Pumasok sa pinto ang isang babae. Walang gana ko syang pinalingan ng tingin. I hardly recognize her. “Jared?” usap ng babae. “Si Teresa ‘to. From high school.” “Hey, Teresa." “Um, napanood ko yung video mo.” Tumango lang ako. "Okay." “Uh, Jared, I know where she is.” Napabalikwas ako ng tayo. Nahulog sa sahig ang hawak kong controller. *** Alyson Dimaano School Clinic Dec 16, 2002 “Minor na hilo lang naman po kaya ako natumba,” paliwanag ko kay Doc Cynthia. “Pangalawa mo na ito, Aly,” seryoso nyang sabi. “Ibinilin ka ng Mama mo sa kin, that’s why she chose this school for you kasi alam nyang mababantayan kita rito.” Tahimik lang ako. “Brugada Syndrome is not a simple heart condition.” Nagbaba lang ako ng tingin. “Wala naman po kasi akong gagawin sa bahay, kaya inuubos ko na lang ang oras ko sa school.” “I understand, pero, you have to take care of yourself, wag matigas ang ulo. Hindi natin alam kung kailan—” Napahinto sya. I felt that she's being sensitive. Tahimik lang ako. "Sorry po." *** Jared Nauna nang pumasok si Teresa sa loob ng pintong iyon. Huminga ako ng malalim. Inipon ko muna ang natitira kong lakas ng loob. Nanginginig ang buo kong katawan pero pinilit ko lang na ihakbang ang mga paa ko. Sinundan ko si Teresa sa loob ng ICU, nakita ko si Aly na nakaratay sa puting higaan, katabi ng mga aparato. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Sobrang bigat ng bawat hakbang palapit sa higaan nya. Tumayo ako sa tabi nya at tinignan lang sya. Mabilis ang paghinga nya. Walang malay. Makikita sa ibabaw ng mesa sa tabi ng higaan ang ilang mga gamot, pati ang pills na minsan ko nang nakita. She... she had an attack two days ago. Tumingin ako kay Lola Linda. “Ano pong sabi ng doktor?” Nagbaba lang sya ng tingin. Parang gumuho ang mundo ko sa reaksyon nya. Tumabi sa akin si Teresa. Pareho lang kaming nakatingin kay Aly. Nagpahid si Teresa ng luha. “Aly told me everything. She reached out to me three weeks ago. She wanted to stay away from you.” Ibinilot ko ang mga kamao ko. Iniabot ni Teresa ang cellphone ni Aly sa akin. "Don't blame yourself, Jared. Aly, loves you." Tumayo si Lola Linda. Lumabas silang dalawa ni Teresa. There's one video in the phone’s gallery. I pressed the play button. “Hi, Jared…” Si Aly, she took a video of herself, nasa ospital na sya. Makikita na mahina na sya rito. “I saw your live video. I'm so so sorry, dahil iniwan kita. Di ba, tinatanong mo ako kung bakit wala akong boyfriend, kung bakit wala pa rin akong asawa? Dahil hindi ko kayang masaktan yung taong yun, dahil alam kong mawawala rin ako bigla isang araw.” Nagsimulang tumulo ang mga luha nya na agad rin nyang pinahid mula sa mga pisngi nya. “Pero dumating ka sa buhay ko. I'm sorry. Dahil naging selfish ako this time. Sabi ko sa sarili ko, gusto ko lang maging masaya, kahit sa maikling panahon. Naging selfish ako kasi alam kong masasaktan kita… pero anong magagawa ko? Mahal na rin kita, e…” huminga sya ng malalim at nagpigil ng iyak. “Then nalaman ko na ikaw si Jared… si Jared na nasaktan ko noon... Lumayo ako dahil ayokong masaktan kita sa pangawalang pagkakataon, kasi alam ko mas masakit yon para sayo—I’m sorry. I’m so sorry. Alam ng Diyos kung gaano ko pinagdarasal, na halos gabi gabi na bigyan pa nya ako ng kaunti pang oras para maging masaya sa piling mo…” Napasapo na lang ako ng bibig at napahikbi, pero pilit kong pinigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. “Jared, I want you to be happy. Please. I want you to move on. I’m sorry sa lahat. Mahal na mahal kita. Salamat kasi pinaramdam mo sakin kung paano mahalin at maging masaya. At kung mauulit ang lahat ng ito, gusto ko pa rin maging selfish para maramdaman ko pa rin ang pagmamahal mo. Maraming salamat sa lahat...” “ALYSON!” Nalugmok na lang ako sa kinatatayuan ko. Gumulong sa sahig ang gernet ring na dala ko. Si Aly… parang inantay lang talaga nya ako. *** Jared “Hi, Aly. Been a while. Pasensya na, ngayon lang ulit ako nakapunta.” Sandali kong dinama ang hangin na humahaplos sa balat ko. “Umalis na nga pala ako sa Game Zone. It’s hard to let go pero I know that it’s the only way for me to find myself. Nagtayo kami ng maliit na studio. Kami nina Ivan, Cris at Nancy. They also quit din pala kasunod ko. You won’t imagine how furious Maricar was." Ngiti ko. "Kamusta ka dyan, Aly? I hope happy ka na. This world is full of pain and suffering, pero tuloy lang kami rito. We will make games that will make people happy in this world full of sadness. I love you… Alyson.” Ipinatong ko ang stuffed-toy teddy bear sa ibabaw ng puntod nya. Huminga ako ng malalim at naglakad palayo. Fin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD