Jared Cruz
We are walking by the shore. Night sky. Moonlight. The cold breeze and the sound of the waves crashing, along with soft, serenading music starts playing in my head as everything moves in slow motion. Hindi ako makapaniwala. Me and Alyson, taking our moments together.
“Anong nagustuhan mo sakin?” tanong nya.
“You, gusto ko lang ang lahat about you. Your smile, your eyes, your nose…”
“Sus,” irap nya.
“Then don’t ask me if you won't believe me.”
“Kailan mo ako nagustuhan?”
“Dati pa. Matagal na.”
“Weh?"
“O nga. Even before I kissed you.” Hinampas nya ako sa braso. “Aray.” Kunot ko ng noo.
“Kailan nga kasi?”
“Basta, Aly. Minahal kita sa panahon na hindi ko inaasahan.”
"E, bakit ang sungit mo kaya sakin nung una?”
Ngumiti ako. “Natakot lang siguro ako."
“Natatakot na ano?”
Tinignan lang namin ang isa't isa.
Narinig na lang namin na tinatawag na kami ng grupo sa cottage.
"Sir, Aly! Tama na yan, papunta na po dyan yung mga langgam, oh!" sigaw ni Nancy.
***
Jared Cruz
DECS BUILDING
Jan 6, 2003
Binilisan ko pa ang pagwawalis. Pinalipad ko ang mga alikabok at ilang mga nakalamukos na papel. Cleaners ang grupo namin ngayon. Inaantay naman ako ni Lui habang nakasandal sa pinto, kumakain ng SkyFlakes.
Inihulog nya ang plastic ng biskuwit sa sahig habang sarap na sarap sa pag-nguya.
Napakunot ako ng noo. "Oy! Nagmamadali na nga ako, e. Nagkakalat ka pa. Mauna ka na kasi," inis kong sabi.
"Nagmamdali raw," aniya sa sarkastikong tono. "Di ka naman uuwi, sasabayan mo lang ng lakad si Aly sa malayo hanggang makasakay sya ng jeep."
Di ako sumagot. Nagwalis lang ako ulit. Inis kong pinalipad palabas ng room ang plastic ng biskuwit.
"Iba tingin sayo ni Ann," bulong nya sa akin sabay nguso sa kabilang direksyon.
Nagpaling ako ng tingin kay Ann na nagpupunas ng desk ng teacher. Nakatingin sa akin.
Binalik ko ang tingin ko sa winawalis ko.
"May itsura naman si Ann. Di mo ba trip?"
Hindi ako nagsalita.
"Bakit mo ba sinasayang yung oras mo dyan kay Aly. Eh, ibang level naman 'yon."
"E di, magpapa-level rin ako," ngisi ko.
"Seryoso, kahit pa wala na sila nung Bryan, hindi ka pa rin non papansinin. Iba ang galawan ng mga higher section."
Ibinagsak ko ang hawak kong walis sa sahig. "Bakit ba lagi mo na lang ako dina-down pagdating kay Aly?"
"Hindi naman sa ganon. Ayoko ko lang na nagmumukha kang ewan."
"Gusto ko naman to, e."
"Na magmukhang ewan?"
"Hindi mo ako maiintindihan hangga't hindi mo rin nararamdaman ang nararamdaman ko. Bukod sa paglalaro, si Aly lang ang nakakapagpasaya sa akin. Kahit sa malayo lang ako. Kahit sandali lang."
"Hanggang sa malayo lang? Panandalian? Tingin ko, natatakot kang masaktan kung mabasted ka, pero yung ginagawa mo ngayon, dinadala mo lang din yung sitwasyon kung saan masasaktan ka."
Nakakagulat naman to si Lui. Kanonood nya yan ng Mexican Novela.
Alam ko sa sarili ko. Malinaw na sakin na mahal ko si Alyson. Pero, tama si Lui. Natatakot ako sa sa pwedeng kahinatnan ng nararamdaman ko. Hindi kami pareho ni Aly. Pakiramdam ko, magkaiba ang mundo namin. Baka hanggang pangarap na lang sya para sakin.
Naglabas sya ulit ng isa pang sachet ng SkyFlakes at binuksan.
Inirapan ko sya. "Wag mo ihuhulog yang pinagkainan mo dyan."
Naupo lang ako sa upuan at tumahimik.
***
Jared
Those were the best three days of my life. Nothing could make me happier. Even video games.
Nakaupo kami sa likod ng van. She's wearing my jacket, asleep, sitting next to me. Malamig kaya mahigpit ang yakap nya sa braso ko. I smiled. I looked at her face and gently swiping her hair away from her cheeks. I already forgot how beautiful you are, Aly.
A soft-mellow music on the van radio starts playing;
♪ Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin ♪
I love you, Alyson. Hindi na ako matatakot ngayon na animin sa sarili ko kung gaano kita kamahal.
My phone vibrates. I took it out from my coat’s pocket. I see the name on the screen–it's Maricar. I swiped to cancel the call and put the phone back into my pocket. I only want this moment to last. Sana hindi na ito matapos.
***
Alyson
Nauna si Jared na pumasok sa loob ng meeting room. Doon, nadatnan namin ang isang babae. Nakaupo sa swivel chair.
Maganda, nakapusod ang buhok, para syang modelo. Pero matalas kung makatingin.
Halatang nagulat si Jared nang makita sya. “M-Maricar, kailan ka pa nakabalik?”
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan nya.
“I flew back as soon as I heard,” may otoridad nyang tono. Tumayo sya at nilapitan ako, tinignan ako mula ulo hanggang paa. “So, totoo nga? She must be your new tester?”
“M-Maricar—”
“How long have you been doing this, Jared?”
Yumuko ako at maglalakad na sana palayo nang hablutin ni Jared ang kamay ko.
“Sir, aalis na lang po ako.”
“Stay,” sagot nya sakin.
Muli akong humarap, nakatayo ako sa likod ni Jared. Natatakot ako.
Nag-cross arm sya. “Kailan pa nangyayari ito?”
Huminga nang malalim si Jared. “Two months.”
Napahawak si Maricar sa sentido.
“Aly, this is Maricar Del Valle,” pakilala ni Jared. “She’s the major shareholder of Game Zone… she’s my stepsister.”
Napatingin ako sa mga mata ni Jared.
***
Jared
“Are you really this dense, Jared?”
“Ate, please.”
“Don’t call me ‘ate', we’re running a business here, Jared. You are the last person I expect to hire an under qualified employee!”
“Maricar, Alyson is a good game tester—”
“And a good influence din ba?” sarcastic nyang sabi. “Sya ba ang nagsabi na dalhin mo ang buong team on a three-day vacation sa kung saan in the middle of a project?”
“No, it was all my idea. The team needs a break and—”
“Jesus, is this how a CEO thinks and acts? I put you in that position to make money for the company, hindi para magliwaliw.”
“Malinaw.”
Tumingin sya sa labas ng bintana at nagbuntunghininga “Fire her.”
Napakunot ako ng noo. “I’m not gonna fire Aly.”
Humarap sya ulit sakin. “Jared, we can’t have her here, have you even checked her record—“
“I didn't check her record and I don’t care. I will not fire, Aly! If you want me to stay, she stays…” natahimik sya. “I know you need my designs, let her stay and I’ll continue working for you as we agreed.”
Umupo lang sya at napasapo ng ulo. “Bahala ka.”
***
Candle-light dinner, solemn ambiance. Just Aly and I at my favorite resto sa Taguig.
“After my Lolo died, I lived in Australia with my mom, her husband and step-sister. I was in fourth year high school at that time. I never really expected a happy family. I was my mother’s mistake and it was awkward living with them. I never really felt that I belong there to begin with. So I left, I developed my very first game sa gabi. And sa umaga, I studied. I released my game just after college. It was an instant hit. I built Game Zone… then the accident happened.”
“Yung aksidente na sinasabi ni Luke?” usisa ni Aly.
"Yes. I had a surgery. They had to reconstruct my jaw." Dinampot ko ang baso ng wine sa harap ko at uminom.
"Tapos?"
"Umuwi ako ng Pinas. I took my time. Napabayaan yung game. Players moved on and Maricar came to offer money that saved the company. There, that’s my story. Napahaba na ang kwento ko, tama na, besides, this was a long time ago.”
Hinawakan ko ang kamay nya. "Aly, I want to spend the rest of my life with you."
Marahan nyang binawi ang kamay nya. "J-Jared, h-hindi ba masyado namang mabilis?"
"Mahal kita, Aly. That's what matters to me."
Nagbaba sya ng tingin. "Mahal din kita, Jared." Hinawakan nya ang garnet ring sa daliri nya. “Gusto kong maging masaya kasama ka.”
***
Alyson
Nakatayo lang ako sa gilid ng hallway. Katatapos lang ng mga revision reports na ginawa ko. Inaantay ko si Jared dumating.
Nakita kong lumabas ng meeting room si Ms. Maricar. Nakita nya ako at nilapitan. “Alyson, I need a few words with you,” sabi nya bago naunang naglakad.
“Yes po.” Sinundan ko sya.
Binuksan nya ang office ni Sir Jared at umupo sa swivel chair. “Please,” lahad nya ng kamay sa upuan sa harap ko.
It’s been three months na rin pala mula nang ininterview ako ni Jared dito. Hindi naman kasi madalas ang mga nakakapasok rito, maliban kay Nancy.
Umupo ako.
“Aly,” bungad nya sa mahinahon na tono. “I’m a little concerned about your performance lately.”
Medyo pinagpawisan ang mga kamay ko.
“I checked your record–”
“Tatanggalin nyo po ba ako sa trabaho, ma’am?”
“Any business owner in the right mind would, but I won’t. Jared seems to be fond of you and I don’t want to put my relationship with Jared on the line. But you have to understand—”
Napapaling ako ng tingin sa photo frame sa pader—sa larawan ng lolo ni Jared—pero may katabi nang bata. Napakunot ako ng noo. Hindi ko na narinig kung anong sinasabi ni Ms. Maricar. Tumayo ako at nilapitan yun.
“Hello, Alyson? I’m still talking to you.”
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa batang nasa larawan. Kilala ko sya. Dahan-dahang bumilis ang kabog sa dibdib ko.
“Alyson, are you even listening to me?”
“Sino po… ang batang ito?”
Parang nainis sya sa tanong ko. “That’s Jared, before the car crash.”
Napasapo ako ng bibig sa gulat. Nanginginig ako. Parang sasabog ang dibdib ko. Para akong matutumba sa kinatatayuan ko.
“What’s wrong with you, Ms. Dimaano?”
Tumalikod ako at tumakbo palabas ng opisina—
“Ms. Dimaano! Ms. Dimaano, I'm not yet finished talking to you!”
Kinuha ko ang bag ko sa desk ko at humangos palabas habang umiiyak. Para akong babagsak pero kailangan kong makalato sa lugar na ito.
“Aly!” Narinig kong sigaw ni Nancy, pero hindi ko na sya pinansin pa.
***
Alyson
P.E. Area
February 14, 2003 (20 years ago)
Malalakas na kantiyawan at tawanan mula sa mga kaklase ko ang maririnig sa buong quadrangle. Parang napako na lang ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang papalapit sa akin si Jared, hawak ang isang teddy bear stuffed toy.
Nagulat na lang talaga ako nang lumapit siya habang nasa P.E. area kami.
"A-Aly..." Lahad nya sa akin ng hawak na stuffed toy. Hindi nya ako matignan ng diretso, nanginginig ang mga kamay.
Tinignan ko lang 'yon mula sa mga kamay niya. "A-ano kasi, J-Jared..."
"Kunin mo na, Alyson!" sigaw ng isang 4th year na nakadungaw sa second floor na lalo pang nagpalakas ng sigawan at panunukso ng ibang estudyante.
Hindi ko alam ang mga tamang salitang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan titingin.
"A-Aly–" pagkaumid pa niya.
Nataranta ako at natabig ang teddy bear mula sa kamay ni Jared at nahulog sa lupa.
Tumakbo ako palayo.
Napasapo ako ng dibdib habang gumuguhit ang luha mula sa mga mata ko.
***
Jared
Lumabas ako ng elevator at dumiretso sa desk ni Nancy. “Nans, have you seen Aly? She wasn’t answering my calls.”
“Sir, bigla pong umalis si kanina, parang umiiyak.”
“What?” Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Natulala ako. “S-She deactivated her account.”
Lumabas si Maricar ng office at lumapit sa akin. “Jared, you're here. We need to talk about Alyson.”
“Ate, Aly left. Did you say something to her?”
“What? No–”
Napakunot ako ng noo. “I don't understand this. Baka may nasabi ka, Ate?”
Pamewang nya. “Jared, wala akong sinabi dyan sa tester mo. Bigla na lang tumakbo. Parang nakakita ng multo nong nakita nya yung picture nyo ni Lolo Ferdi.”
Napatitig ako sa kanya. “W-Wait, what photo?”
“Yung photo nyo sa office mo. I thought you hated that photo.”
Parang nanlambot ang mga tuhod ko. Tumakbo ako palabas ng office.
“Jared!” Sigaw ni Maricar na hindi ko na pinansin. “Jesus!" Nagpaling sya ng tingin kay Nancy. "Nancy, can you tell me what the hell's going on here?”
Nagbaba lang ng tingin si Nancy. "Hindi ko po alam, ma'am."
***
"Aly!" sigaw ko sa harap ng gate nila. "Aly!"
Tumatahol ang mga aso ng kapitbahay nang lumabas ng pinto si Lola Linda. Inayos ang salamin at tinignan ako nang maigi.
"Lola Linda–si Jared po!" pakilala ko habang nakahawak sa mga rehas.
Lumabas naman sya agad ng bahay at lumapit sa gate. "Jared?"
"Lola, si Aly po? Kailangan ko po syang makausap."
"E, wala sya. Umalis. Dala yung mga damit nya. Hindi pa nga bumabalik. Ito, iniwan, pinapabigay nya sayo." Abot nya sa garnet ring na bigay ko nung birthday nya.
"Oh my god, Aly. What have I done?"
"Nag-away ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi po. It's... medyo komplikado po, e. Lola, please let me know kung bamalik sya." Nagmamadali akong bumalik ng sasakyan.
***
Bumalik ako ng Game Zone. Pero wala rin sya doon.
Pumasok ako ng opisina ko at ibinagsak ang sarili ko sa swivel chair. Binuksan ko ang cellphone ko. Hindi ko sya makontak sa number nya. Deactivated pa rin ang f*******: at ibang social media nya. Napatingin ako sa photo frame namin ni Lolo.
Bakit ba hindi ko pa pinunit at itinapon yang picture ko. Tang ina talaga.
Sinuntok ko ang mesa ko bago halos mapasabunot sa sarili.
It's my fault. It's my fault. It's my fault.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maricar. "Jared…"
She approached me.
"I lost her, ate. I lost Aly. Ang tanga ko. Nasa akin na, nawala pa."
"Jared, you need to stop acting like this."
"Si Aly..." nanginginig na ako. "Iniwan na ako ni Aly, Ate."
"Pull yourself together, Jared."
"I can't do that..."
Sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan namin.
Inikutan nya ako at hinawakan ako sa braso. "Hey, listen to me. You are running a company."
"I hurt Aly, Ate. Do you understand? Pwede mo ba ako intindihin kahit ngayon lang?"
"Jared, we are in the middle of a game release—"
Bumalikwas ako ng tayo kaya napabitiw sya. "f**k the game! Puro na lang kompanya yang laman ng utak mo, e! Paano naman ako?"
"Watch your mouth, Jared! I'm still your big sister!"
Nanghina ako lalo sa sinabi nya. "Don't... just don't. Ikaw, si Mama, yung tatay mo, kayong lahat, you never really treated me as family. So don't."
Natahimik sya. Tinalikuran ko sya. Hindi na sya nakapagsalita at natulala na lang. Naglakad ako palabas at ibinagsak ang pinto.