Game 15 - Eternal Blue

2160 Words
Jared Cruz School Clinic Dec 16, 2002 Nakaupo ako sa labas ng clinic. Inaantay ko si Lui. Inutusan lang kami ng adviser namin na maghatid ng mga nakapasong halaman. Ayokong pumasok sa loob kaya si Lui na lang ang nagdala ng mga yon. Kamakailan lang, ipinasok si Lolo sa ospital. Hindi ko naman maintindihan kung ano yung sakit nya pero natatakot akong pumasok sa ospital. Ayokong pumasok kahit sa clinic ng school. Ang tagal ni Lui sa loob. Bored na ako. Dumampot ako ng bato at ibinato sa mga ibon sa semento. Nagliparan ang mga ibon na sinundan ko pa ng tingin. Nakita kong bumukas ang pinto ng clinic. Napatayo ako. Akala ko si Lui. Si Aly at Teresa ang lumabas mula sa loob. Hindi nila ako napansin sa gilid ng hallway. “Anong sabi ng nurse?” tanong ni Teresa kay Aly. “Hilo sa pagod.” “Ayan, sobrang active mo kasi sa mga extra-curriculars.” “Gusto ko lang naman ma-impress si Mama,” simangot ni Aly. Hinawakan ni Teresa ang kamay nya. “Aly, kami lahat impressed na sayo. Wag mo na muna isipin yung Mama mo. Sabi mo nag-aadjust pa kayo sa bagong buhay nyo, di ba?” Nakikinig lang ako sa kanila nang biglang dumating si Bryan. “Aly!” Hangos nya. “Aly, please, mag-usap tayo.” Hawak nya pa sa kamay ni Aly. Binawi agad ni Aly ang kamay nya. “Bryan, di ka ba nakakaintindi? Ayoko na.” “Pero, Aly—” Sumabat si Teresa. “Bryan, kakagaling lang ni Aly sa clinic, please, wag mo na muna sya kausapin.” “B-Bakit, Aly? Napano ka?” Nagbuntung hininga si Aly. “Ewan, itanong mo dun sa kahalikan mo sa likod ng school!” Bulalas ni Aly sabay mabilis na naglakad palayo. “Aly naman!” Sigaw ni Bryan na naiwan sa harap ko. Wala akong lakas ngayong araw pero hindi ko pinalampas ang nakita ko. “Tanga ka kasi. Nasayo na, pinakawalan mo pa.” Tinignan nya ako ng matalim. “Anong sabi mo, payat?” “Wala.” Paling ko ng tingin sa malayo. Hinablot nya ang kohelyo ko at hinila palapit sa kanya. “Pipili ka ng pakikialaman mo, ha! Nagkakamali ka ng kinakalaban!” Winasiwas nya ang kohelyo ko, kasama ako. Agad naman akong nakabalanse. Naglakad si Bryan Montereal palayo. Bumukas ang pinto ng clinic at lumabas si Lui, guyod-guyod ang halaman sa malaking paso. “Jared, hindi ito, yung dama de noche raw, bwiset, ang bigat bigat pa naman nito.” Mabilis kong pinahid ang kaunting luha sa mga mata ko gamit ang braso ko. “O, bakit?” Pag-aalala nya. “Wala. Tara.” Naglakad na ako palayo. “Oy, Jared! Tulungan mo ako rito, uy!” *** Jared I walk back and forth sa labas ng ospital. Hindi ako mapakali. My hands were shaking kanina. I didn't know what to do so I called the only person listed sa resume ni Aly. Maya-maya pa, nakita ko si Aly na naglalakad palabas ng ospital. She's still wearing my coat. Kasama nya sa paglabas si Lola Linda. "Aly!" Hangos ko. "Sir talaga, inistorbo mo pa si Lola Linda." Pinandilatan ko sya. "Seriously, Aly?" "Sir." "Halos mahimatay na rin ako sa kaba, kala ko kung ano na nangyari sayo! What did you expect me to do?" Nagtinginan sa akin ang mga tao sa paligid sa lakas ng boses ko. Nagbaba sya ng tingin. “Sorry po, sir. Pagod lang daw po sabi ng doktor." "Pinagpapahinga yan ng doktor," usap ni Lola Linda. "Lola!" simangot ni Aly. "O, bakit? Yun ang sabi ng doktor, araw-araw kang puyat nang puyat kanunuod ng YouTube, kanunuod ng mga video games." Parang kinurot ang puso ko. Alyson. She’s so hardworking. Huminga ako ng malalim. "Pasensya na po. it's my fault. We're having a very busy sched sa office," yuko ko. “Thank you for doing this for the company, Aly.” *** Alyson Huminto ang kotse sa harap ng bahay. Bumaba si Sir Jared ng kotse. Ipinagbukas nya kami ng pinto ni Lola Linda. "Salamat sa paghatid," ngiti ni Lola. "Welcome po." Himas ni Jared sa likod ni Lola. "Magpahinga ka na," utos sakin ni Lola. Tumango lang ako. Nauna nang pumasok sa bahay si Lola. Hinubad ko ang coat na suot ko at iniabot kay Sir Jared. "Sir, thank you po talaga." Kinuha nya yon. "It's okay. I–" sandali syang natigilan. "I'm really glad that you're okay, Aly." "Sir…" Hindi ko alam kung ano pang sasabihin bukod sa ‘salamat'. Sobrang abala na ang nagawa ko sa kanya. "Natakot talaga ako kanina.” Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. Parang kinurot ang puso ko. "Pasensya na po, mas iingatan ko na ang sarili ko. Sorry po ulit." "It's okay." Nagbukas sya ng pinto ng kotse. "Don't come to the office tomorrow. Take the whole week off. I'll be very upset if I see you tomorrow at the office." Wala na akong nagawa. "Sige po, sir. Thank you." Sinundan ko lang ng tingin ang kotse nya hanggang sa tuluyan na itong makalayo. Naglakad ako papasok ng bahay. Nadatnan ko si Lola Linda na nagtitimpla ng gatas. "Umalis na?" "Opo." Niyakap ko sya sa likod. "Salamat po sa pagpunta." Tumango lang sya. Naglakad kami sa hapag at naupo. "Mukhang mabait yung tao." Di ako nagsalita. Iniabot nya sa akin ang isa sa dalawang basong may gatas. "Mukhang may gusto sayo." Sinimangutan ko sya. "La, naman." "Alalang-alala sayo, aba." Sandali kaming natahimik. Hinalo-halo ko lang yung gatas habang nakatitig doon. "Alyson, ilang taon na tayong magkasama dito sa compound. Kilalang kilala na natin ang isa't isa kaya hindi mo na rin maitatago sa akin." "Ang alin po ba, La?" simangot ko. "Na gusto mo rin sya." "Gusto ko lang po mag-focus muna sa trabaho. Alam nyo naman po 'yon, di ba?" "Wala naman akong ipipilit sayo. Ang akin lang, gusto ko maging masaya ka rin sa buhay. Masaya ka ba?" Nagbuntung hininga lang ako. *** Jared I'm signing papers in the office when I heard two knocks. "Sir." Si Nancy. "Nans, come in." Pumasok sya, dala ang ilang mga hard drives at inilapag sa mesa ko. Napatingin ako sa noo nya. "O, ba't may tapal yang ulo mo?" "Hindi ko nga sir alam, e. Ayaw sabihin sakin nung dalawa kung saan ako gumulong." Napangiti na lang ako. "I'm sorry to hear that," sabi ko sabay balik ng tingin sa mga papeles. Nakatayo lang sya sa harap ko na parang may gusto pang sabihin. Nagpaling ulit ako ng tingin sa kanya. “Anything else?” "E, sir. Mabagal po yung feedback ng testers. Wala po kasi si Aly. Nagre-request po yung dalawang naiwan na baka pwedeng i-extend yung deadline ng–" "Go ahead. Take the time they need kamo. Wala si Aly, I gave her a week off." "Sige po," ngumiti sya bago naglakad palabas ng pinto. Tumunog ang Viber ko. Binuksan ko yon at nakita ang sinend ni Luke na picture. Biglang nag-ring ang phone ko–si Luke. Sinagot ko agad. "Bro," energetic nyang bungad. "Kita mo sinend ko? I got one from a seller on Ebay. Tsamba, bro. One of the rarest." "I'm happy for you, bro." "O, bakit parang di ka triggered? Usually kapag may nakukuha akong bagong game collectible naiinis ka?" "Not this time. Wala pa ako sa mood mag-collect." "Wow. Si Jared ka ba talaga?" "Gago. Syempre, busy pa sa office, down pa rin yung sales," paliwanag ko. "Busy kay Alyson, kamo." "Di, a." "Kamusta na ba? Nasabi mo na bang ikaw si boy basted?" "Hindi pa. Alam mo, parang ayoko na ngang sabihin, e." "Luh? What do you mean?" "Okay naman na kami ni Aly. Siguro mas okay na ganito na lang." "Heavy, bro. Ayoko na mag-comment, pero make sure lang na alam mo ang consequences nyan." "I-enjoy mo na yang bagong item mo." "Ge." "Bye." Ibinaba ko ang tawag. Huminga ako ng malalim. "Nancy." Agad syang dumungaw sa pinto. "Sir?" "Are you stressed out lately?" "Po?" "I mean, how's the team taking the development lately. I'm just thinking. What if we take the whole dev team on a short vacation? Parang team-building." Tumili sya sa saya. Yung pang biik na tili. *** Fine sunny weather. Everyone jumps out of the van. Masaya ang lahat when we reached Bataan. Strictly, no cellphones. No game gadgets. No work-related talks until sunset. Just pure fun and bonding. The others run to the shore. Dumiretso naman ako at si Cris sa cottage dala ang dalawang cooler. Nakasunod lang sina Aly sa likuran namin. *** Alyson "Lakas mo talaga kay Sir, girl," siko sa akin ni Nancy. "Ha? Bakit naman?" kako. "Luh ka, di mo alam, para sayo tong mini-vacation-team-building, ek-ek na to, no?" "Weh? Sabi nya?" "Di nya sasabihin yon, syempre." Napatingin lang ako kay sir habang naglalakad sya sa harap ko. Bigla syang humarap sakin kaya nagulat ako. "Are you ready?" "S-San, sir?" Ngumisi lang sya. *** Nagsimula na ang mga activity nang araw na yon. Beach Volley Ball, girls versus boys. Panalo ang girls. Banana boat ride, nahulog si Nancy sa dagat. Tawanan ang lahat. Paint ball. Pinagtulungan ng lahat si Sir. Nagkaroon sila ng chance na gumanti. Galit na galit sya. Boodle fight sa cottage habang tanaw ang makapigil hiningang ganda ng dagat. Inilagay ni Sir Jared ang isang malaking hita ng manok sa plato ko. "Sir, busog na ako," kunot noo ko sa kanya. "Ubusin mo yan, payat." Ang bully talaga nya. Nagtinginan sa amin ang lahat. "Uyyy!" panunukso nila. "Hala, ano ba yan," simangot ko. *** Nakaupo ako sa buhanginan, pinagmamasdan ko habang inaabot-abot ng tubig-dagat ang mga paa ko. Lumapit si Sir Jared sa akin at naupo sa tabi ko. "Nakapag-relax ka naman?" Tumango lang ako at ngumiti. Ngumiti rin si Sir Jared. "Alam mo ba kung bakit nahulog si Nancy kanina sa banana boat?" "Bakit po?" "Kasi tinaggap na sya ng karagatan bilang isang butanding." Natawa ako. "Grabe ka naman, sir! Ang bad mo." "Di, biro lang." “Ngayon ko lang sir nakita yang funny side mo, sir.” “Masayahin naman ako nong bata.” “Ano pong nangyari?” "Life happened.” Napalitan ng pagkaseryoso ang sandali. Nakatingin lang kami sa mga masayang lumalangoy sa di kalayuan. “Aly, what do you think of our games?" "What do you mean po?" "I mean, your honest thoughts. You've been working so hard testing our games for a couple of months now. Ano sa tingin mo?" "Honestly?" "Yes." "Nilaro ko yung first game mo sir, na-curious kasi ako sa reviews. Iba po yung naramdaman ko. Sincerity. Puso. Ibang klaseng saya po kumpara sa mga tini-test po natin sa office." "That was my first game, Aly. Matagal-tagal na rin yon. Thirteen years ago. I put all my passion in making that game, alone..." Sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan namin bago sya ulit nagsalita. "The company has been struggling for years since then, kaya ibinenta ko ang majority ng shares ko, I have no full control over the company anymore, it's not the same." Malayo ang tingin nya. "Masaya ka pa rin ba, sir?" Humiga sya sa buhangin. “I don’t even know what that means anymore.” “E, kung hindi ka na masaya, bakit mo pa ipinagpapatuloy?” “Hindi ko rin alam. Siguro I’m still expecting something, o feeling ko may kulang pa sa efforts ko. Dumampot ako ng bungkos ng buhangin at pinanuod yong mahulog mula sa mga kamay ko. “Ikaw, masaya ka naman ba?” Tanong nya. “Thankful po kasi may work...” “That wasn’t my question.” “Masaya po. Yung iba po kasing company, makita lang yung experiences at records ko, umaayaw na agad. Life is short. Kaya gusto ko pong i-enjoy yung mga bagay na meron ako ngayon. Ito lang po ang meron ako ngayon. Trabaho.” “E, kung gawin na lang natin yung mga bagay na makakapagpasaya satin?” tanong nya. Ngumiti ako. “Siguro nga po.” Bumangon sya, tumalikod sa akin at nagsulat sa buhangin gamit ang piraso ng kahoy. Humampas ang alon sa di kalayuan. Niyakap ko ang mga tuhod ko. "Sir, sino po si Maricar?” Hindi ko alam kung bakit ko tinanong yun. Nagulat sya at humarap sa akin. "Why do you ask?" "W-Wala po," tumingin ako sa malayo. Tumayo sya. Tumayo rin ako at napatingin sa isinulat nya. Biglang kumabog ang dibdib ko habang nakatayo sa tabi nya. "Gusto ko lagi kitang makita. Gusto kong hawakan ang mga kamay mo. Parang nade-develop na yata ako sayo... sana, malaman mo na gusto kita, Alyson." Naramdaman ko na lang ang kamay nya sa kamay ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa balikat nya. Dinama ko ang kamay nya sa kamay ko. Bahala na. Gusto ko na lang maging masaya ngayon. Kahit sandali lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD