Jared Cruz
Quadrangle, Back Stage
July 22, 2002
Okay. Ito na 'yon. Buwan ng Nutrisyon. Lusog-Kantahan. Bawat section may representative pero walang representative ang section namin. Sa last minute, magbibigay raw si Ma'am Salvacion–ang adviser namin, ng +2 sa first grading, manalo o matalo. Ayos. Palakol ako sa subject nya at kung makukuha ko yung +2 na yon, pwede na ako maghayahay, umabsent-absent kaunti at maglaro ng games. Evil laugh.
Napapaling ako ng tingin kay Lui. Lumalantak sya ng iskrambol.
"'Oy," irita kong turo sa kinakain nya. "Ano yan?"
"Iskrambol. Madalas to ilako dyan sa likod ng school, yelo, gatas at kaunting chocolate–"
"Bwisit ka. Alam ko kung ano yan. Ang ibig sabihin ko, bakit ka kumakain, malapit na tayong tawagin? Baka makaapekto sa boses mo yan! Kinabisado mo na ba yung lyrics ng ginawa kong kanta? Nasaan na yung papel?"
Sumimangot sya. "Kaya nga ako kumakain, stress eating to! Kinakabahan ako. Tsaka, alam mo namang di ako kumakanta. Bakit ba kasi pinilit-pilit mo pa ako sumali rito?"
Inakbayan ko sya. "Kailangan ko ng kasama! Ayaw mo non, +2 tayo!"
"E, kinakabahan nga ako, di naman ako kumakanta, e."
"Ooookay lang yan, kaya nga may kodigo ka, e. San mo ba nilagay?"
Nilaklak nya yung iskrambol.
“Nakikinig ka ba sakin?! Tigilan mo na yan, kumain ka na nga binatog kanina!" gigil kong sabi.
"Ayoko!"
"Grr!"
Nag-agawan kami sa iskrambol.
"Section 16? Jared Cruz, Luisito Tungay? Tungay?"
Biglang kumabog yung dibdib ko. "Tayo na yon!" Itinaas ko ang kamay ko para makita ng mga student organizer. “Kami yun!”
Lumapit kami ni Lui sa dalawang babaeng estudyante na tumawag sa amin. Sandali akong natigilan nang masilayan ko ang isa sa kanila. Ngayon ko lang sya nakita. Malamang transferee sya.
“Hello?” Bati nya na nagpabalik sa lumilipad kong diwa.
“Jared Cruz,” alok ko sa kamay ko habang tulalang nakatitig sa kanya.
Bigla akong kinamayan ng kasama nyang butanding. “Teresa. Student Organizer kami. Kayo na ang next na kakanta. Jared, at ikaw malamang si Luisito Sungay?”
“Tungay,” simangot ni Lui habang nakasapo sa kanyang tiyan.
“Proceed na kayo don sa kanan, kayo na ang next,” malambing na boses ng maganda nyang kasama bago sila naglakad palayo.
Sinundan ko lang sila ng tingin.
Siniko ako ni Lui. "Jared, di ko pa kabisado yung lyrics!"
Biglang bumalik ang diwa ko. Inirapan ko sya. "Kain ka kasi nang kain! San na yung papel?"
“—Section 16! Jared Cruz at Luisito Tungay!”
Palakpakan.
“Tayo na!”
Narinig ko ang ilang mga nakakabwiset na sigaw mula sa ilang mga estudyante, pero di na bago sakin to.
"Payat!"
"Wooo, kala ko ba Buwan ng Nutrisyon! Bakit may mal-nutrisyon?"
"Quiet, everyone," malumanay na saway ng host.
Naglakad kami ni Lui sa gitna ng entablado.
Dito na ako kinabahan. Nagkamali ba ako ng desisyon? Hala. Bakit nanginginig ang mga kamay ko. Sasablay rin ba ito? Hindi, kailangan kong ipakita sa kanila na may talent kami.
Nagsimulang tumugtog ang intro ng ni-record kong minus one.
"Gulay, Gulay, kumain ng Gulay. Buhay ay walang kulay kung walang petchay–" paling ko kay Lui. Turn na nya.
Nagtuloy-tuloy ang minus one, pero hindi sya kumanta, dead air.
Kumapa-kapa sya sa bulsa ng polo nya. "Nasan na yung lyrics?"
Nagtawanan ang mga manonood. Napakuskos na lang ako ng mukha sa hiya. Para akong pinagpawisan ng malamig.
Kina-kapa pa ni Lui ang lyrics sa likurang bulsa ng pantalon nya habang hawak ang mic. Isang malakas na pururot ang umalingawngaw sa buong stage.
Natulala ang mga manonood.
Napatakip na lang ako ng ilong habang nakasapo si Lui sa kanyang puwitan.
Tumingin sya sa akin. "Jared, sabi ko sayo, hindi ako marunong kumanta, e."
"Kuman-tae ka na nga, e," ngiwi ko.
Grabeng kahihiyan to. Sablay na naman.
***
Jared
"Sir, akyat ka rito!" The host insisted.
"Sige na, sir!" Pilit pa ng tatlo.
“Sige na, sir, for Aly.”
Napilitan na lang akong tumayo.
“Ayan na si sir,” sabi ng isang host na sumalubong ng pisil sa braso ko. “Ay, grabe ang maskels.”
“Matigas, sis?” tanong ng isa pang host.
“Matigas, sis, parang nyog. Pa-kiss nga, sir. Joooke!”
Tumingin sila kay Aly. “Ang gwapo ng boyfriend mo, te.”
“Naku, h-hindi ko po sya boyfriend. Boss ko po sya.”
“Boss pa nga daw,” biro ng isa.
“Oh, Papa Boss, kumakanta ka ba?”
Umiling agad ako. “H-hindi na.”
“E, di, kumakanta ka dati?”
“Uh, hindi talaga ako kumakanta.”
“Sige, ikaw na ang kakanta, kuya. Kantahan mo itong mahiyain mong empleyado.”
“Ha?” Pagkaumid ko.
“Dali na,” pilit ng isa sabay lagay ng mic sa kamay ko.
Tumingin ako kay Alyson. Napaiwas sya ng tingin sakin.
I cleared my throat at nagsimulang kantahin ang isang kanta sa mabagal at malumanay na bersyon.
"♪ Isang tama, sampung mali, gan'yan ako pumili… ♪"
I stop and scan the crowd. Tahimik silang nag-aabang. Nagpaling ako ng tingin kay Aly. She looked back at me.
I heard the band at the back start playing soft instrumentals.
I took a deep breath and continued.
“♪ Di na mababawi ng puso kong sawi.
Daig pa ang telenovela
Kung ako ay magdrama
Gan'yan ba talaga
Guhit ng aking tadhana?
Ooh, sawa na akong mag-sorry
Ooh, ayoko nang magsisi
Pasens'ya ka na
Mabilis lang akong mataranta
Ako ang hari ng sablay
Ako ang hari ng sablay
Hinding-hindi makasabay
Sabay sa hangin ng aking buhay
Hari ng sablay
Ako ang hari ng sablay
Ako ang hari
Ako ang hari…"
Aly and I are having sincere and meaningful glances.
Malakas na palakpakan ang sumunod kong narinig mula sa mga manonood.
“Dyusko, te!” Biglang usap ng isang host kay Aly. “Pag niligawan ka nito at di mo sinagot, ewan ko na lang.”
Napangiti na lang kami ni Aly habang nagkakailangan ng tingin.
***
Alyson
Inuubos na lang nina Nancy, Cris at Ivan yung huling bote nila. Hindi naman uminom si Sir Jared buong gabi.
“Ang galing mo pala kumanta, sir,” sabi ko.
“Hindi naman.”
Pinaningkitan sya ni Nancy ng tingin. “Parang nagbago ka na, sir, nitong mga nakaraan.” Medyo lasing na si Nancy.
“Oo nga, sir,” segunda ni Cris.
Nagulat ako nang biglang dutdutin ni Nancy ang ilong ni Sir Jared. “Hindi ka na sir masungit,” sabay sinok. Oh my god, lasing na talaga si Nancy.
Nagsalita si Ivan habang nagse-cell phone. “Nung dumating si Aly, mas sumungit, pero recently, parang hindi na nga, bakit kaya?” Napatingin kami sa kanya. Napatingin din si Ivan sa amin. “B-Bakit, tama naman, di ba?”
Ngumiti ako. “Uy, wag nyo na nga niloloko si Sir.”
Tumayo si Nancy at nanghingi ng toast. "Para kay Aly, happy birthday!"
Nag-toast kaming lima, juice lang sa kin, soda naman kay Sir Jared.
Biglang umupo si Nancy pero nawalan sya ng balanse at napatihaya kasama ng upuan. Kumalabog sya sa sahig.
"Oh, my God, Nancy!" sapo ko ng bibig.
Agad kaming napatayo at sinilip sya.
***
Akay ni Cris at Ivan si Nancy, naghihilik na, habang naglalakad kami sa parking.
"Nans, wag kang magpabigat," hingal pa ni Cris.
"Iwan na lang kaya natin to dito?" reklamo ni Ivan.
Napasimangot ako. "Oy, wag naman kayo ganyan."
"Malapit na ang kotse ko rito, ihahatid ko na kayo," alok ni Sir Jared.
"Nako, sir, wag na, nag-book na kami kanina, parating na yon, tsaka, isang direksyon lang naman kaming tatlo, mapapalayo pa kayo," ani Cris.
"Oo nga, sir, si Aly na lang ang ihatid mo, sir, pareho naman kayong pa-north."
Umiling agad ako. "H-Ha? N-Nako, wag na ako, may masasakyan pa naman, o."
"Sige na, Aly," insist ni Cris. "Okay lang naman kay sir, e. Di ba, sir?"
"Oo naman."
"Naku, hindi na talaga."
Biglang may dumating na pulang kotse at hinintuan kami. "Grab po? Sir Cris?"
"Uy, ayan na yung amin, paano, Sir, Aly?" pabirong saludo ni Cris.
"Aly, Sir Jared, una na po kami," segunda naman ni Ivan.
Inalalayan nila si Nancy na makapasok bago sila sumunod, agad naman ding umalis ang sasakyan nila. Sandali namin yon sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na yong makalayo.
"Aly–" nilapat ko ang cellphone ko sa mga labi nya.
"Ako na muna, sir." Huminga ako ng malalim. "Thank you po sa lahat tonight. Sa libre. Sa song. Sa gift. Sobrang na-appreciate ko po lahat." Inalis ko ang cellphone ko sa bibig nya. Ngumiti ako. "Masaya po talaga ako ngayong birthday ko."
Ngumiti rin sya. "Aly–" Bago pa sya makapagsalita, kinawayan ko sya agad. "Bye, sir!" Tinalikuran ko sya at naglakad palayo.
Hindi na sya nakapagsalita. Alam kong may gusto pa syang sabihin pero nahihiya na rin talaga ako kasi dalawa na lang kami.
Maraming salamat, sir. Salamat po talaga tonight.
***
Jared
I rolled my car and parked sandali. I took my phone out and started chatting Aly.
Me: Saan ka na?
Alyson: Ito, sir, nakasakay na. Pauwi na po :)
I'm about 60 meters away from where Aly is sitting kaya I know na hindi pa sya nakakasakay. Hindi nya alam nandito ako, nakamasid. She's waiting for a bus pero gabi na rin at wala nang dumaraan. I would give her a ride kanina pero I felt she was avoiding me. Obviously, I was an asshole so I don’t blame her.
I couldn't just drive away knowing na hindi pa sya nakakasakay. I need to know she's safe before I go.
I saw her looking at her hands. Hindi ko kita rito pero alam kong tinitignan nya ang bigay kong singsing. I'm really happy that she liked it.
I smile. Magta-type sana ako. I was about to tell her the truth, na ako ang high school Jared, pero na-distract ako nang makita ko ang dalawang lalaking umaaligid habang tinitignan nya ang singsing nya. They were wearing masks, jackets and caps. Nagbubulungan. Hindi maganda yung nararamdaman ko.
Mabilis akong bumaba ng kotse, kinuha ko ang self-defense truncheon ko sa ilalim ng upuan at tumakbo papunta sa direksyon nila. "Hoy!"
Nakita kong ntaranta ang dalawang lalaki, nagulat din si Aly. Sinubukan pa nilang hablutin ang bag ni Aly pero winasiwas ko ang truncheon ko na parang nag-aamok. Wala silang nagawa at kumaripas na lang ng takbo palayo. Hinabol ko pa sila ng kaunti.
"Magtrabaho kayo, a!"
I turned around. Nakita ko na lang si Aly na nakahandusay sa semento. Nagulat ako.
"A-Aly!" Mabilis ko syang nilapitan. "Aly! Aly, sinaktan ka ba nila? Aly!"
Pilit kong gising sa kanya pero wala syang malay.