Game 13 - Mario Party 5

2290 Words
Jared Oh, yeah. Here we go. I feel like the world is in slow-mo as I enter the bar. ‘Yeah’ by Usher is playing out loud. All eyes are on me. Sige, nganga pa. To my right is Britany and to my left is Makoto. Two young, hot and sexy women, wrapped around my arms, wearing revealing outfits. Ah, this feels amazing. Feast your eyes. And for the record, I was here via pure coincidence. I'm not lying. Seryoso. Nandito ako to enjoy. Yun lang. I went past Aly’s table without even looking, like I didn’t see them. I know they are looking at me, that’s what I want, I’m the king. I smirk as I take the seat across their table. And that's how it’s done. Nagbubulungan sila, I know they’re talking about me, go ahead, talk about how smooth I am. I noticed Nancy waving at me. Play it cool. Play it cool. Tumango lang ako at ngumiti. Nancy stands up and walks towards our table, “Hi, sir. What a coincidence.” “Hey, Nans, I didn't notice you, sinong kasama mo?” “Sina Cris, Ivan and Aly. It's Aly’s birthday po.” “Oh, really? I didn’t know that. Please send my greeting. By the way, this is Britany and Makoto.” “Hello,” ngiti sa kanila ni Nancy, they just threw her a fake smile. Ibinalik ni Nancy sakin ang tingin nya. “Sir, I didn’t know nagha-hang out po pala kayo dito.” “Well, I do now,” ngisi ko. “Jared, what are we doing ba here sa cheap bar na ‘to?” Inarte ni Britany. “Yeah, you said we will go to this sossy yacht party? Ano ba yung sinasabi mo na dadaanan mo saglit dito?” segunda ni Makoto.” “Shhh! Will you two shut up,” irita kong bulong sa kanila bago ngumiti kay Nancy. “Uh, sige po, sir. Lumapit lang po ako to say hi din for the others.” “Right, right,” tango ko. Nancy smiled to me and sa dalawa kong kasamang nakabusangot bago naglakad pabalik ng table nila. *** Alyson Naupo si Nancy sa tabi ko pagkabalik sa table namin. “O, anong sabi?” usisa ni Cris. “Confirmed.” Gesture ni Nancy na parang naggigilit ng leeg. “He’s doing it on purpose.” “Pero bakit?” Pagtataka ni Ivan. “Hello! Obvious ba? Nandito sya for Aly,” tila panunukso ni Cris. “Tama na nga kasi,” sabi ko. “Baka naman gusto lang din ni Sir mag unwind.” Pinaningkitan ako ni Nancy ng tingin. “Aly, hindi naman nagpupunta si sir sa ganitong bar, tsaka, hello, tignan mo nga yung dalawang kasama nyang parang kung saan lang nya napick-up.” “So, may gusto nga si Sir kay Aly?” Pagtataka ni Ivan. “Oy, tama na nga kasi,” medyo inis ko nang sabi. Napapaling ako ng tingin sa table nila Sir Jared. Nahuli ko syang nakatingin sa akin. Sandali kaming nagkatitigan. Nakita kong nainis yung dalawa nyang kasama at padabog na tumayo. Hindi ko sila naririnig sa lakas ng music, pero parang they’re having an argument. Dinampot nong dalawang babae ang mga gamit nila at mabilis na naglakad palabas ng bar, naiwan lang si Sir Jared sa kinauupuan nya. Napansin ko na tinignan ako nina Ivan, Cris at Nancy. Nakatitig sila sakin. Pinagsalitan ko silang tatlo ng tingin. “Bakit ganyan kayo makatingin?” Nagbuntung hininga si Nancy. “Hindi mo ba iinvite si Sir sa table natin?” “H-Ha? B-Ba’t ako?” “Ikaw may birthday, e,” ani Cris. “Pero—” “Sige na, mag aambag ambag na lang tayo. Tsaka tignan mo.” Nguso si Nancy. “Kawawa naman, o.” Nako na lang talaga. *** Naglakad ako palapit sa table ni Sir Jared. Hesitant pa rin ako, nahihiya kasi talaga akong kausapin sya, lalo na after ng mga nangyari lately. Pero, ano pa bang magagawa ko? Tumayo ako sa harap ng table nya. Nagce-cell phone sya kaya hindi nya ako napansin. I think he was messaging. “Sir,” kaway ko sa harap nya. Medyo nilakasan ko pa dahil sa music. “Sir!” Napatingin sya at mabilis na ibinaba ang hawak na cellphone. “Hey, A-Aly.” Ngumiti lang ako. “Happy birthday.” “Thank you po.” “Um, may susunduin lang yung mga kasama ko. Babalik sila, inaantay ko lang.” “Gusto mo mag-join sa table namin, sir, habang hinihintay sila?” Tumingin sya sa table namin. Kumakaway sa kanya yung tatlo. Ngumiti sya. “Um, okay.” *** Nakaupo kaming lahat sa harap ng table, parang mga 2 minutes na ata kaming nagngingitiang apat. Medyo awkward na. Biglang nagbago yung ambiance nung kasama na namin si Sir sa table. Siguro nagkakahiyaan. Huminga nang malalim si Nancy. “So!” Energetic nyang bungad sabay tapik sa mesa. “Kamusta naman ang personal life po, sir?” “Still personal.” Pilit yung ngiti ni Nancy. “Nice.” “Uh, sir, ano pong favorite game genre mo?” segunda ko. Ngumiti sya. “I’d easily say RPG.” “Bakit po, RPG?” tanong ni Ivan. Nagkibit-balikat lang sya. “I… I just like it.” Ito ang first ko na makakita ng uncertainty sa mga mata sir. Lagi syang confident and sure sa gusto nya pero iba this time. “Ikaw, Aly?” Paling sa akin ni Ivan. “Ako? Same. RPG.” “Why RPG?” “For me, it's the perfect escape from this world. I can choose who I want to be. I can write my own story and explore the world." Napalitan ng pagkaseryoso ang mukha nila. Sakto rin sa music na currently tinutugtog ng banda–soft, sincere, meaningful. I smile. "Sometimes, kailangan lang natin ng escape sa tunay na mundo and minsan kailangan lang natin makalimutan kung sino talaga tayo... kahit sandali lang." Nagbaba lang ako ng tingin. "Change what we did in the past and push our limitations." Natapos ang music. Sandaling umiral ang katahimikan. Iniikot ni Ivan ang tingin sa amin. "Game pa rin ba pinag-uusapan natin?" Dumating ang waiter, dala ang isang malaking tray. Ngumiti ako. "Ayan na." Nagugutom na rin ako. *** Jared Eventually, the awkwardness fades. After kumain, everyone took out their gifts. "Happy birthday, Aly," abot ni Nancy ng isang paperbag kay Aly. “Ay, thank you, Nans.” "Happy birthday," abot ni Cris ng maliliit na parihabang box. “Hala, nag abala pa kayo," she shyly said. "Happy birthday!" Abot naman ni Ivan ng isang flat-square-shaped pero nakabalot in a birthday wrapper gift. "Headset yan," tukso ni Cris. "Wag kang magulo," inis na taboy ni Ivan. Nagtawanan ang lahat. "Thank you sa inyo," she looked touched. "Hindi na dapat kayo nag-abala, pero thank you talaga, sobra. Naappreciate ko to." Tumingin si Aly kay Ivan. "Thank you, Ivan, sa headset. Mapapakinggan ko na ng malinaw yung mga video sa YouTube." "Eh," kamot ulo ni Ivan. "Wala yon." Nakangiti ang lahat. Bigla kong iniabot ang isang maliit na box. "Happy birthday." Napatitig sa akin ang lahat. "Sir, may dala kang gift?" pagtataka ni Ivan. Napasapo pa ng dibdib si Nancy. "Akala namin, napadaan ka lang?" "Ah-eh, ano, binili ko yan kanina. E, nadoble bili ko, kaya ayan. Kay Aly na lang," palusot ko. Ngumiti ang lahat na parang nanunukso. Halatang naiilang si Aly. "Buksan mo na, girl," buyo ni Nancy. "M-Mamaya na lang," nahihiyang tago ni Alyson sa maliit na box. "Oo, nga, mamaya na lang," segunda ko. "Teka, buksan mo na, para makita namin," parang gustong kunin ni Cris yung box. "Patingin," pilit pa ni Ivan. Tumingin sa akin si Aly. Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung paano mag-react. Inilapag ni Aly ang maliit na box sa mesa at tinanggal ang takip nito. Tumambad sa harap ng lahat ang isang silver na singsing na may pulang bato na disenyong puso. Napakunot ng noo ang tatlo. "Singsing ang regalo mo kay Aly, sir?" pagtataka ni Ivan. Nangiwi si Nancy. "Oo nga, e di ba, sa jowa lang nireregalo yan?" "Nasan yung isa?" tanong ni Cris. Napatingin lahat sa kanya. "Di ba, dalawa binili mo, sir, tig-isa kamo kayo, nasaan yung isa?" "Couple ring ba yan, sir?" usisa pa ni Ivan bago lumantak ng sisig. "Ah-eh... ano kasi..." s**t, I'm running out of excuses. Nakapako ang tingin nilang tatlo sa akin, nag-aantay ng sagot ko, parang interrogators. Napatingin ako kay Aly. Nakatitig lang sya doon. Hindi yata nya nagustuhan, damn. *** Jared Cruz Class Room (Chemistry - Non Laboratory Class) October 5, 2002 Sira yung electric fan malapit sa pwesto ko sa likod. Medyo mainit, pero carry naman, sanay naman ako na sira madalas ang electric fan sa section namin. Grabe, basa na yung panyo ko kapupunas ng tigyawat sa noo ko. Inaalagaan ko ‘to, e. Malapit na kasi manganak. Inextend ko ang leeg ko papunta sa kabilang row. "Jenny, may pulbos ka ba?" "Wala." "E, ba't kutis espasol ka, ano yan natural?" "Lumayo-layo ka sakin, tatadyakan kita dyan." Yayks. Teacher's Day ngayong araw. Kapag Teacher's Day, pumupili ang mga teacher ng estudyante na papalit sa kanila para magturo sa araw na yon. Hindi pumasok si Lui. Dapat di na rin ako papasok, kasi bukod sa wala naman kalatoy-latoy itong araw na to, e malayo na rin ako sa Final Fantasy X-2 kaso, alam kong uutusan lang ako ng mga tito ko sa bahay. Grabe yung pawis ko, parang waterfalls. "Jenny, sure kang wala kang pulbos?" "Tangina mo, Jared, di ka titigil?" Sungit amputa. Feeling cute. "Oy, andyan na yung Student Teacher natin sa Chem!" sigaw ng isa kong classmate. Inihiga ko ang ulo ko sa arm chair. Chemistry, sus. Para namang magagamit ko yang periodic table na yan sa future, e game developer ang gusto kong maging. Sayang lang ang space ng utak ko dyan. Bagay yang periodic table dito kay Jenny, parang everyday may period, e. "Hello po!" malumanay na tinig ng teacher. Agad akong napabalikwas ng upo. Parang lalong uminit, a. Oh, s**t, oh, s**t! Si– "My name is Alyson Dimaano, I will be your Chemistry teacher for today," malambing pa nyang ngiti. "Today, we will be talking about chemical bonding. Dito kayo naiwan ni Mrs. Estrella, no?" Oh, my god! Magbo-bonding kami ni Aly! Ohhh. Ang ganda talaga nya. Nakasalumbaba lang ako habang nakatitig sa kanya, habang ikinakabit nya yung visual aids sa board. Parang nahihipnotize ako sa bawat galaw nya. She's so confident. I don't care if sinungalngal nya ako ng brush nung Sabado, konti lang naman yung nakain kong pintura, e. "Ito ang example ng Chemical Bonding..." Hindi ko masyado maintindihan, ang ingay ng mga ka-klase ko. "Now, example lang ito, this is the Chemical Bonding of a garnet. Ginamit ko lang na example ang garnet because favorite gemstone ko ito, ito kasi ang birthstone ko, to..." “Garnish, ikaw ang garnish sa buhay ko,” kinilig ako, may kaunting ihi ang lumabas. Mga one teaspoon. Lalong umiingay. "Class, quiet lang," saway ni teacher. Ang gulo ng mga kaklase ko, maingay at mga hindi nakikinig. Nakakainis. Papangit pa. Ako lang pogi dito, e. "Oy, makinig kayo," inis kong sabi pero hindi ako narinig. "Class, quiet," naiistress na si Aly. Hindi ko na maintindihan si Aly sa ingay. May mga nagdo-drawing sa notebook, nagkukwentuhan, may nangungulangot gamit ballpen, may naggigitara sa harap, si Jenny nagpupulbos–teka, sabi nya wala syang pulbos? b***h. Nanginig na ako sa inis. Di ko na napigilan. Bumalikwas ako ng tayo. "TUMAHIMIK KAYOOOOOO!!!" Napatingin sa akin ang lahat at tumahimik. Napasapo lang ng bibig si Aly nang makita ako. Mala-Fernando po Junior kong kinawayan si Ma'am Alyson. Ang aking Ma’am-ma-ha-lin. Yiiiiiiih!! Naihi na talaga ako. Two cups! *** Alyson "Singsing ang regalo mo kay Aly, sir?" "Oo nga, e di ba, sa jowa lang nireregalo yan?" "Nasan yung isa? Di ba, dalawa binili mo, sir, tig-isa kamo kayo, nasaan yung isa?" "Couple ring ba yan, sir?" "Ah-eh... ano kasi..." hindi makasagot si Sir Jared sa mga tanong nila. "Garnet," napangiti ako. Parang kinurot ang puso ko. "My Gemstone." Napakamot ng ulo si Sir Jared. "Y-Yeah, it's actually a synthetic garnet–" Ngumiti ako. "Thank you po, sir. Nagustuhan ko po." Pinagsalitan kami ni Sir Jared ng tingin ng tatlo na parang nanunukso. Naputol ang musika sa stage. Umiral ang sandaling katahimikan hanggang magsalita ang host. "May birthday celebrant tayo tonight!" she shouted. "A-ly... Alyson Dimaano? Sino si Alyson Dimaano?" "Uy, Aly! Tawag ka!" kantyaw sakin nina Cris at Ivan. "Akyat ka daw don!" "Hala!" "Akyat ka na, Aly!" buyo pa ni Nancy. "E, ayoko!" mariin kong tanggi. Feeling ko, pakana 'to ng tatlo. "Ayun," turo ng host. "Halika, Alyson Dimaano. Umano ka dito." Tawanan ang lahat. "Go, Aly! Go, Aly!" tuloy na pilit ng tatlo. Nahuli kong nakangiti si Sir Jared. "Go, Aly," cheer nya. "Kasi naman, e," kamot ulo akong tumayo at nakayukong naglakad papunta sa maliit na stage. I feel really shy. Unlike noong high school. Back then sobra ang confidence ko. "Hello, Alyson." "Hello po." "Taga saan ka?" "Rizal po." "May boyfriend?" "Wala po." "Oh, may tinuturo sila don." Napalingon ako. Nakita ko sila Nancy na tinuturo si Sir Jared. "Ayun yung boyfriend, o!" hirit ng host. "Hala! Hindi po!" “Ay, guwapo, ha,” sabi ng isa pang host. "Akyat ka rito, sir!" kaway ng isa kay Sir Jared. "Samahan mo si Alyson dito." "Hala, anu ba yan. Wag na po," napatakip na lang ako ng mukha sa hiya. Nakita kong pinipilit nila si Sir Jared at todo tanggi naman sya. Wag kang aakyat dito, sir. Wag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD