Jared
"Gusto kita–" Oh, s**t. What did I just say? Parang umakyat bigla lahat ng dugo sa ulo ko.
Iniikot ko ang mata ko sa paligid. Nakatingin silang lahat sa amin ni Aly. Napalunok ako.
Umayos ako ng tayo. "I mean.... gus...to... kitang... gusto kitang tumaba." Dutdot ko sa ilong nya.
Napangiwi sya. "Ha?"
"Y-You heard me, Ms. Dimaano. Para kang buto. How will you test games properly kung hindi ka kumakain ng maayos," I said while trying to regain my composure.
Napangiwi sya. "Ganon?"
"Yup, ganon yon. And kayong lahat, gusto ko rin kayo–na tumaba. My treat! Order kayo, sagot ko! Cris, Ivan, pataba kayo." Tumingin ako kay Nancy. "Nancy, uh, maintain mo lang yang ganyang taba."
Nginitian ko lahat bago dali-daling nagkulong sa office ko.
***
Alyson
Nandito ako ngayon sa console area. Malapit na mag-load yung game nang biglang kumalampag yung sliding door sa likod. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong controller sa gulat. Nilingon ko–si Sir Jared.
Nginitian ko lang sya.
Nilampasan lang nya ako at iba pang naglalarong testers, dumiretso sya sa harap ng computer sa kabilang corner ng room. Mabuti na lang di ako napansin at sana wag na nya akong mapansin.
Nag-pop out ang game notification ko sa gilid ng screen.
KingJar3d Joined Your Party.
Oh, no.
Lumiyad ako ng kaunti at sinipat ang mukha nya. Seryoso syang nakatitig sa monitor nya.
KingJar3d is typing...
KingJar3d: Hi, Aly.
KingJar3d: Implemented na pala yung chat support.
alyHealer25: Yes, sir. Kahapon.
KingJar3d: Aly, can we talk in private?
alyHealer25: Okay.
KingJar3d: I'm Jared.
alyHealer25: Yes, sir. Kita ko naman po name mo.
KingJar3d: No, I mean... Urgh.
KingJar3d: Okay, I think we may have started on the wrong foot.
KingJar3d: Um, naaalala mo ba nong una tayong nagkita? You were on top of my car, tapos hinahanap mo yung resume mo, then nawala yung isa mong sapatos?
alyHealer25: Dyahe naman, sir, pinaalala mo pa, pero oo. Tanda ko naman. Malinaw pa naman yung memory ko po. Yun po ba ang wrong foot na sinasabi nyo?
KingJar3d: No. Pero hindi yon ang una nating pagkikita.
KingJar3d: Nage-gets mo ba, Aly?
alyHealer25: Ang alin ba, sir?
KingJar3d: Urgh. Okay. Let's start over. About Nina's birthday...
alyHealer25: Sir STOP!!
KingJar3d: Aly... there's a reason why I kissed you
alyHealer25: Waaaa!
KingJar3d: sa lips.
alyHealer25: Anu ba yan, sir nasa group chat tayo!!!
Cris2fur: Wala akong nabasa.
IvanHo: Hello po, sir.
KingJar3d left the game.
NancyPampola: Wait, Aly, nag-kiss kayo ni Sir @_@?
alyHealer25 left the game.
Jared
I don't understand why everytime I try to tell Aly that I am the high school Jared, e laging naji-jinx? Seriously, may kumukulam ba sakin?
Kumaway-kaway si Ivan sa harap ko. "Sir?"
"Oh?"
"Kamusta po yung control?"
"Ng alin?"
"Nyan pong game?" pilit nyang ngisi.
Napatingin ako sa monitor at sa hawak kong controller. "Ah, oo. Well..."
Nawawala na ako sa ginagawa ko. I've been distracted recently because of Alyson. Tsk.
"You know what, Ivan, balikan kita regarding this. Iwan mo muna sakin to para manamnam ko."
"Okay, sir."
Tumayo ako.
"Uh, sir."
"Yes?"
Parang nahihiya sya. "Baka po pwede hindi ako mag-overtime mamaya?"
"O, bakit?"
"Birthday po kasi sir ni Aly."
"Talaga?"
"Yes, sir, e, nag-invite po sya na kumain sa labas."
Napa-cross arm ako. "Wait, birthday ni Aly, nang-invite si Aly?"
"Yes, sir, si Aly."
"Hindi ba nya ako ininvite."
"Hindi ko po...alam... sir."
"Ikaw lang ininvite nya?"
"Hindi po, sir. Kami po nina Cris at Nancy."
Ininvite sila ni Aly, ako hindi? It's okay. I don't care. As if naman gusto kong pumunta, duh? I never liked crowded places anyway. Besides, I have lots of things to do, so even if she invited me, I won't be coming. Tama. I'm busy hehe.
"Sir?"
"Ha?"
"Natulala po kayo."
"Ah, hindi. May naalala lang. Sige, you can go. Just make sure lang na you will finish your tasks tomorrow."
"Yes, sir. Thank you po! The best po talaga kayo!" Tumalikod na sya at excited na umalis.
"Uh, Ivan, wait."
"Sir?"
"Sa'n nga ulit kayo mamaya?"
***
Alyson
"Thank you pala sa pagsama," ngiti ko kay Nancy, Ivan at Cris. "Sana okay lang sa iba na hindi ko sila na-invite, tight lang kasi budget ko. Nahihiya talaga ko."
"Naku, wala yon, Aly," comfort ni Nancy. "E, parang zombies naman yung iba don sa office. Trabaho-bahay lang."
"Super nerdy nung iba nating katrabaho," tango ni Ivan.
Siniko sya ni Cris. "Parang ikaw hindi?"
Inilapit ni Nancy ang mukha nya sa akin. "Pero, totoo ba talaga, Aly?"
"Ang ano?"
"Nag-kiss talaga kayo ni Sir Jared?"
"Oy, hindi, a!"
"Namula! Namula!" Panunukso ni Cris.
Napahawak ako sa mukha ko. "Hindi naman, e!"
Nagtawanan silang tatlo. Tumawa na rin ako.
"Pero, di nga?" Ulit ni Nancy.
"Hindi kami nag-kiss... ano kasi, lasing si Sir," paliwanag ko.
"Ong gondo no Oloson!" Banat ni Ivan.
"Kasi!"
Sila lang talaga yung mga naging ka-close talaga ko sa office. Ang secretary na si Nancy, Programmer na si Ivan at Junior Game Designer na si Cris.
"Sayang, alam mo dapat ininvite mo si Sir J," ani Cris.
Tumango si Nancy. "Oo nga."
"Naiilang kasi akong kausapin sya," kako. "Nitong mga nakaraan, ang gulo nya kausap."
Nanlaki bigla ang mga mata ni Nancy. "Oh, em, ji."
Tulala kaming apat nang pumasok sa bar si Sir Jared.
Anong ginagawa nya rito?