Game 11 - Hot Pursuit

1263 Words
Alyson Monday morning. Nadaanan ko si Sir Jared na nakaupo sa couch sa may lobby, nagkakape, pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko ang lakad ko at nilampasan sya. "Hey, Aly," narinig kong tawag niya. Hindi ko siya nilingon at dumiretso lang papunta sa elevator. Nagmamadali syang tumayo at sumabay ng lakad sa akin. "Uy. I was calling you the entire weekend," sabi niya bago humigop ng mainit na kape. Binilisan ko pa ang lakad hanggang makarating sa harap ng elevator. Dinutdot ko yung button. "Pag gising ko, nawala ka na. Sabi ni Abby, nagmamadali ka raw umalis." Bumukas ang pinto ng elevator at dali-dali akong pumasok sa loob. Sumunod din siya akin sa loob at tumayo sa tabi ko. Pasimple niya akong tinignan mula sa makintab na repleksyon sa pinto ng elevator. Doon nagtama ang mga mata namin, pero umiwas din ako agad ng tingin. "I had the worst hangover that night.” Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang ang pagpalit ng number ng elevator. "Galit ka ba?" tanong niya. "About nong nangyari nong Friday–" "Sir, maraming bugs yung game,” mabilis kong putol sa pagsasalita niya, “pero sabi ni Cris kaya naman daw ma-debug this week.” Sinilip ko ang slingbag ko at nagpanggap na may hinahanap para hindi niya ako kausapin. "Uh, okay. Aly, listen, yung nangyari sa atin..." Kinuyom ko ng mahigpit ang sling bag ko at napapikit. "About dun sa kiss... I was drunk. You know what I mean?" pilit nyang ngiti. "Look, can we just forget na nangyari 'yon?" Nainis ako lalo. Humarap ako sa kanya. "Forget, sir?" Napaatras sya at napabalanse ng kape. "Ano to, sir, lokohan?" "Aly, calm down–" "Plano kong matulog nang buong weekend dahil sa stress ko sa inyo, pero hindi ako lalo nakatulog dahil sa halik na yon. Naguguluhan na ako sa intensyon nyo, sir, tapos sasabihin nyo kalimutan? Kung gusto mo sir man-trip, wag nyo ako idamay!" Bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang naming katrabahong babae mula sa Marketing Department. “Hello, sir.” “Hi, Sir J,” bati ng dalawa. Hindi pa ito ang floor namin pero lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa hagdan. "Aly, teka! Pakihawak nga.” Pasa nya ng kape sa isa sa dalawa. Lumabas siya ng elevator at sinundan ako pero binilisan ko ang lakad ko. "Aly, sandali nga." Hinablot niya ang isa kong braso at iniharap ako sa kaniya. "What are you so angry about?" Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Binitiwan niya ako at umatras ng isang hakbang. "Okay. Look. I'm sorry. I don't know what I was thinking. Aaminin ko. Me being drunk that night wasn't an excuse, okay?" I rolled my eyes bago naglakad ulit. "Please, sir, late na po ako." Inunahan nya ako at hinarangan. "Wait, I know," parang nagulat pa nyang reaksyon. "You're angry because nasaktan ko ang feelings mo! Nasaktan kita, 'no? Nasaktan ba kita? Ha? Nasaktan ka, tama? Masakit?" tanong niya na parang tanga. Nagkagat ako ng labi sa inis at sinipa siya sa binti. Napapikit siya at napaupo sa sahig habang hinihimas ang binti nya. "Ayan, sir, masakit?" Naglakad ako palayo at iniwan siyang namimilipit. "Aly, wait! Masakit! Jesus!" *** Jared Tulala ako. "Na-hurt ko yata yung feelings nya, bro." Bumalikwas si Luke ng upo, ibinagsak ang hawak na dumbbells at nagpunas ng pawis sa mukha. "Ayan na. Sabi ko na, e. Guilt yan." "Ayaw ako kausapain, e. Parang galit." "Natural, magagalit 'yon. Nakawan mo ba naman ng halik, e." Huminga ako ng malalim. "Okay. I admit. When I first saw Aly gusto ko siyang inisin. It felt good. Gets mo 'yon?" "Hindi. Hindi ko gets." Naglakad kami pabalik ng men's locker. Sandaling umiral ang katahimikan sa paguusap namin. "I don't know what to do, man," sabi ko. Isinara nya ang locker nya at nagbuntung hininga. "Jared, bro, you need to tell Alyson the truth. She deserves to know. Baka lalo pang lumala yan." Napakamot na lang ako ng ulo. *** Alyson Inilapag ko ang bag ko sa desk at naupo. Napahilot ako ng sentido. "Okay ka lang ba, girl?" tanong ni Nancy na nakatayo na pala sa harap ng table ko. "Oy! Hello. Morning. Okay naman," sagot ko. Nagpamewang siya. "Was it the traffic? Hindi ka mukhang okay, e," pansin niya. "Na-master ko na yang traffic," biro ko. "Naglagay ka ba kahit blush-on man lang? Ang pale mo." Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. "T-Talaga? 'Di nga?" Shocks. Nakalimutan ko palang maglagay kahit powder. Nagmamadali kasi akong umalis ng bahay. "Wait. Nag-breakfast ka ba?" tanong ng pamilyar na boses sa likod ko. "Dalawang pandesal," sagot ko. "Here." Nakita ko ang isang paper bag na lumapag sa mesa. Nang tignan ko kung sino–si Sir Jared. "Try this, it's from the newly opened resto sa tapat." Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata kaya kay Nancy na lang ako tumingin. Nagkagat-labi si Nancy at napasapo sa dibdib nya. "Ako, sir, wala?" "Uh, isa lang ang na-order ko, next time ikaw naman.” Nagpaling ako ng tingin sa paper bag bago ko iyon itinulak ng bahagya, papunta kay Nancy. "Kay Nancy na lang, sir. Busog pa ako." "Ay, talaga, girl! Thank yo–" Itinulak ni Sir Jared ang paper bag pabalik sa akin. "Go, ahead. Pansit 'yan. 'Yong madalas mong orderin sa canteen no'ng high school." Napakunot ako ng noo. "You told me sa party ni Nina. Naubos mo pa nga yung isang platter nya ng pansit, di ba?" Hindi ko maalalang sinabi ko yon sa kanya, at hindi ako yung umubos ng pansit, sya yon. Kaya nga lasang lechong kawali yung halik nya. Umiling ako. "Thank you na lang talaga, sir. Katatapos ko lang din mag-breakfast e." "Dalawang pandesal?" Sumingit ulit si Nancy. "Ako, sir, kakainin ko 'to–" "Madalas kong napapansin na lagi kang walang energy sa umaga." Sabay tulak ulit ng paper bag, palapit sa'kin. "Kumain ka. Ang payat mo. Ayoko ng payat sa kompanyang 'to." Luko-lokong 'to, ah. Pinigilan ko ng kamay ko ang paper bag. "Sir, I'm really fine. Hindi ko po kailangan niyan. Ibigay n'yo na lang po kay Nancy." "Yay!" palakpak ni Nancy. Tinignan nya ng masama si Nancy. Tumigil si Nancy sa pagpalakpak. Naglalaban kami ng tulak sa supot. "Take it, Aly," medyo seryoso na ang tono nya. "And also... Aly, I have to tell you something... " Yung tingin niyang 'yon. Naalala ko bigla yung nangyari no'ng nakaraang gabi. Yung tingin na parang may meaning. Diretso sa kaluluwa ko. Nailang ako kaya binitiwan ko yung supot. "I... I'm Jared." Napangiwi si Nancy. Napakamot ako ng noo. Alam ko naman ang pangalan nya, abnoy na ba to si Sir? Lumunok sya. "Aly, I'm Jared." Napangiti ako ng pilit. "Yes, sir. Since birth yan, di ba?" "No, Aly." Nainis na ako. "Sir, please! Ito na naman tayo, e! Please, iba na lang ang pag-tripan nyo!" Bulalas ko na umalingawngaw sa buong floor. Nagtayuan mula sa cubicle ang lahat at nagtinginan sa amin. Napatakip ako ng bibig. O, my god. Hindi ko 'yon sinasadyang sigawan sya. Ibinagsak ni Sir Jared ang palad niya sa mesa ko. Napapikit ako ng mahigpit. Susuntukin ba nya ako? "Dalawang bagay, Aly," pagtataas niya ng boses. "Una, as your boss, it's my responsibility to take care of my employee. Kung papasok ka ng dalawang pandesal lang ang kinain, magre-reflect 'yon sa abilities mo na gawin ang trabaho mo." O, my god. Matatanggal na ba ako sa trabaho? "At pangalawa. Hindi kita pinagti-tripan. Gusto kita!" Natulala ang lahat ng tao sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD