Game 10 - Fighting Vipers

1870 Words
Alyson Pumasok ako sa gate ng apartment. Nagbuntung hininga ako. Wala na akong energy. Sandali akong napahinto sa paglalakad at napahawak sa mga labi ko. Hinalikan nya ako kagabi. "Oh, Aly," tawag sakin ni Lola Linda–ang land lady ko. Agad namang bumalik ang lumilipad kong diwa. "Hello, 'La." "Hindi ka umuwi kagabi?" "Uh, hindi po." Lumapit ako sa kanya. "'La, baka bukas na po yung unang sahod ko, iabot ko po ng gabi yung kulang ko sa renta. "Hay, nako! Itong batang ito. Sinabi ko naman sa'yo, wag mong intindihin ang renta." Ang bait talaga ni Lola Linda. Ako na lang talaga ang nahihiya. Simula nang maibenta ni Mama ang halos lahat ng ari-arian namin at mag-transfer ako sa public school, nangupahan na kami kay Lola Linda. Nawala si mama nung 2010 at hanggang ngayon nandito pa rin ako. Wala nang ibang pamilya si Lola Linda, walang mga anak at wala rin maraming kaibigan. Dalawampung taon nang patay ang dati nyang sundalong asawa. "Salamat po, La. Yakap ko sa kanya." "Itong batang ito talaga," malambig nyang tugon. "Halika, may nakita akong recipe sa YouTube, niluto ko, tikman mo." Tatayo sya nang biglang ubuhin. "La, iniinom mo pa ba yung maintenance mo?" himas ko sa likod nya. "Ay, nako. Wag mo akong intindihin. Ikaw nga itong mukhang nagpapagod. Hindi yan maganda. Hindi ba't sinabi ko naman sayo, hindi mo na kailangan mahirapan sa trabaho. May pension naman ako, dito na lang tayong dalawa." Ngumiti ako. "E, La. Gusto ko pong gawin ito para sa sarili ko na rin. Para naman po masabi ko rin sa sarili ko na lumaban ako at may na-achieve kahit papaano... Tsaka, wag po kayong mag-alala, di ko naman kayo iiwan." Pinisil nya ang braso ko at ngumiti. *** Jared I opened my eyes, I’m lying on the carpet, looking at the ceiling. Sakit ng ulo ko. Hang over. My memory's hazy. Then binuga ko ang barahang naka-shoot sa bibig ko—nang tignan ko, it was the Queen of Hearts. Then I remember, I think I kissed Alyson last night. f**k. Wait, sinungalngal nya ba ako ng baraha? When I woke up, Aly’s already gone. Abby said nagmamadali syang umalis. *** Pumasok ako sa loob ng isang coffee shop to order my usual. I’m waiting in a long line looking at my phone, browsing my f*******:. Then for no particular reason, I search for Aly’s profile and check it. I’m seeing a post—kanina lang to. I started reading it. "I miss you, Ma. I wish nandito ka." I felt sad all of a sudden. *** Jared Cruz 3rd Floor, Auditorium October 16, 2002 Lunes ng hapon. Katatapos lang ng Queen of Hearts play. Wala sana akong planong manood. Wala ako sa mood. Pero, sa minalas-malas, kinulang pa sila ng gaganap na puno–at dahil community service pa rin ako ngayong araw, oo–ako ang ginawang puno. Isang tuod, walang emosyon at kulang sa nutrisyon na puno. Nakakagigil kasi ilang beses pa akong sinandalan ng Bryan Montereal na yon. Tigas rin ng mukha ng taong na yon. Feeling pogi. Kung makahalik kay Aly, akala mo naman. Sila na ba? Kakabwiset, sarap tampalin ng sanga. Nandito ako sa likod ng stage, bumale-balentong na ako kakapilit alisin ang lintek na costume na to, gusto ko na lumayas at makalimutan ang walang kwentang araw na to. Maglalaro na lang ako ng Dreamcast game maghapon, magdamag. Nakita ko si Aly na palabas ng backstage, kasama ang isang ginang. Hindi ko na naiwasang marinig ang usapan nila. "Nasa malayo lang ako nanonood." "Yong totoo, Ma? Late ka, hindi mo nakita yung buong play." "Alyson!" Bulalas ng ginang. "Nagta-trabaho ako para maibigay yung needs mo! Hindi biro ang sitwasyon natin! Alam mo yan! Inilipat kita sa school na ito hindi para gawin mo ang kung anu-anong bagay na hindi importante!" Nakita kong tumahimik si Aly at gumuhit ang luha sa mga mata nya. "Ma, gusto ko lang naman na makita mo yung achievement ko. Yung pinaghirapan ko." Parang nadurog ang puso ko sa naririnig ko. Lumapit ang mama ni Aly sa kanya at niyakap sya. "Hindi ko kaya ang lahat ng to nang ako lang, Aly. I'm sorry. I'm trying." Napahikbi ako. Napatingin sila sa akin. Di ako gumalaw at nagpanggap na puno. *** Jared Iniscroll ko pa pababa. "May work na ako. Kaso may masungit, sayang gwapo pa naman." Napangiti ako. Ni-like ko–Oh, s**t. Napasimangot ako. Bakit ko ni-like? Inalis ko bigla yung like. Napapikit na lang ako. God. This is going to be so embarrassing. "Jared?" biglang kalabit sa akin ng isang lalaki. "Ikaw si Jared, 'di ba?" Tinitigan ko sya, pero naka-mask sya kaya di ko sya mamukhaan. "Uh, do I know you?" Inalis nya ang mask nya at ngumiti ng malaki. "It's me!" Oh, s**t. Not him. "Kilala mo pa ako? Bryan, tol! Bryan Montereal!" Nakakaloko pa nyang tawa. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Parang nakapambahay pa ang isang ito. I gave him a fake smile. "Uh, I'm not sure I remember you," deny ko sabay suot ng mask ko. Tinapik nya ako sa braso. "'To naman! Ikaw si Jared, nagbago ng kaunti ang mukha mo pero alam kong ikaw yan, alam ko yung kwento, yung aksidente mo, fan kaya ako ng RPG game nyo! Naka-Follow rin ako sa page ng World Legends, yung first game mo!" "Oookay." "Gagi, ang yaman mo na, 'no? Musta?" Fuck this guy. "I'm good," matipid kong sagot. "By the way, tol. Naalala mo si Aly Dimaano?" bigla nyang tanong. "Aly? Uh, not really, bakit?" "Si Aly, tol. Yung crush natin nong high school?" Sundot pa nya sa tagiliran ko. Nagpigil ako ng inis. "O, anong meron sa kanya?" "Wala. So, hindi na kayo talaga nagkita?" "Hindi." Nagpilantik sya ng dila. "Sana mag-reunion tayong tatlo." Sipain ko kaya sa itlog to. "Gusto ko rin palang mag-sorry sayo, tol." "Wait…" Sandali kong prinoseso ang mga sinasabi nya. “What?” "Sorry. Alam mo na, dun sa mga nangyari sa atin nong high school. Tsaka, Nagkausap din kami ni Aly before graduation. Gusto rin nya mag-sorry sayo don sa nangyari nong February 14, kaso wala ka na sa school nun." Natulala lang ako. "Bryan, let's go," sambit ng isang matandang lalaking naka-formal suit. "Sige, tol, ha. Andyan na yung amo ko. PM kita." Nagmamadali syang maglakad palayo. Amba syang babatukan ng amo nya. "Distracted ka na naman, sabi ko kunin mo na yung kotse!" Naiwan lang akong nakatulala. Hindi ko na namalayang iniaabot na pala ng service crew ang kape ko. *** Jared Cruz P.E. Area February 14, 2003 Yakap ko ang magkabila kong binti habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagkakagulo na sila sa kuwarto ng ospital habang pilit na nire-revive ang lolo ko. Tinakpan ko ang magkabila kong tainga para hindi ko marinig ang mga naghihinagpis nilang sigaw. Wala na. Wala na raw ang lolo ko sabi ni tito. Nararamdaman ko na lang ang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata ko, pero wala akong emosyon. Wala. Si Lolo na kumupkop sa akin nang iwan ako nang mag-barko ang tatay ko at hindi na bumalik. Hindi malapit sa akin ang mga tito ko. Para sa kanila, pagkakamali lang ako ng tatay ko. Sabi ni Lolo, muntik na raw akong ipalaglag ng nanay ko noon dahil may iba syang asawa. Si Lolo lang talaga ang alam kong nagmamahal sa akin, at ngayong wala na sya, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. *** Hapon. Sabi nila sa bahay, wag na raw akong pumasok dahil unang araw ng burol. Gusto nilang magbantay ako ng mga dadalaw. Pero ayoko mag-stay sa bahay. Ayokong makita si Lolo na nasa ganong sitwasyon. Wala akong pinagsabihan. Pati si Lui, walang alam. Kahit ang mga game consoles ko hindi makakapagbigay ng saya sakin sa mga oras na ito. Nakita ko si Aly na naglalakad sa di kalayuan–naka P.E. Uniform, kasama ang ilan nyang mga kaklase. Masaya sila. Napatingin ako sa nag-iisang teddy bear sa isa sa mga Valentine booth. Gusto ko lang sumaya ulit, kahit sandali lang. *** "A-Aly," abot ko sa teddy bear. Pilit kong pigil sa panginginig ng mga kamay ko. "A-ano kasi, J-Jared..." "Kunin mo na, Alyson!" sigaw ng isang estudyante na nakadungaw sa second floor na lalo pang nagpalakas ng sigawan at panunukso ng ibang estudyante pero hindi ko na alintana ang lahat. Sige na, please, Alyson. Kunin mo lang itong teddy bear. Please. Ayoko na maging malungkot. Sige na. Paulit-ulit kong bulong sa sarili. "A-Aly–" Gusto ko lang sumaya, Aly. Gusto ko lang makita yung ngiti mo. Please. Kunin mo lang. Tinabig nya ang hawak kong stuffed toy at tumakbo palayo. Tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Parang dinurog ang puso ko. Yumuko ako para damputin ang teddy bear sa lupa nang nakapamulsang lumapit sa akin si Bryan Montereal. Ngumisi siya sabay sinipa ang stuffed toy palayo. "Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Mali ka ng kinakalaban," nakakaloko nyang ngisi. Isinara ko ng mahigpit ang mga kamao ko at nagpigil ng sarili. "Akala mo ba magugustuhan ka niya sa itsura mong 'yan." Tumawa siya. "Walang babae ang magkakagusto sa 'yo..." Wala na akong naramdaman. Wala na’ng sakit. Puro na lang galit. *** Jared I was sitting on my office chair, contemplating what Bryan said the other day. What the hell happened to Bryan Montereal? Am I feeling pity for him? Napatingin ako sa dingding ng opisina kung nasaan ang photo frame ni Lolo. Sandali akong natigilan at pinagmasdan lang yon. Naglakad ako palapit sa dingding, I took the photo frame and removed the folded photo. Binuklat ko ang kalahati at naroon ang picture ko nong high school, katabi ni Lolo. Ibinalik ko ang litrato namin ni Lolo sa pagkaka-display. Biglang bumukas ang pinto ng office, walang katok-katok at malakas ang boses ni Luke. "Yo, brother!" "Can't you knock?" inis kong sabi bago bumalik sa upuan ko. "No knocking 'pag retro game hunting day, 'di ba? Only surprises." "Ngayon ba yon?" "Ngayon ang convention sa BGC, bro, I told you nung Friday. Pucha, lasing na lasing ka kasi." Di ako umimik. Napapaling sya ng tingin sa photo frame namin ni Lolo. "Oh, I thought you hated that photo dahil sa gupit bao mo?" After my grandfather died, I went to Australia, to my mom. Parang impyerno ang tumira sa iisang bahay kasama ang stepsister, stepdad at ang nanay na noon ko lang nakilala. Nagpaling ako ng tingin sa bintana sa labas. "I hated seeing my face before the accident. It reminded me of weakness." "So serious, bro, ano bang meron?" "I saw Bryan Montereal the other day, Luke." "Oh? Wait. 'The' Bryan Montereal?" "Yes. He apologized to me... and he also told me that Aly felt guilty too that she embarrassed me." "Yikes... so, what now? "Ewan ko ba." Tumayo sya. "Oh, san ka pupunta," kako. "kala ko we're going retro game hunting?" "I am going retro game hunting. You, you figure out what you really feel about her." Naglakad sya at lumabas ng office. Sumandal lang ako sa swivel chair ko at nagpaling ng tingin sa picture namin ni Lolo. "What should I do, Lo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD