Game 9 - Solitaire

1006 Words
Ibinagsak ni Sir Jared ang baraha nya sa mesa. "Yoko na." Sabay higa sa sofa. "Oy, Jared, game pa," ani Luke. "Wala na yan," sabi ni Abby. Natawa si Luke. "Three straight losses kay Aly and you're out na?" Hindi nag-react si Sir Jared. Parang natulog na sya. Nagpaling si Abby sa akin ng tingin. "Another game?" "Okay na siguro ako." Ibinaba ko na rin ang baraha ko. Maya-maya pa, bumaba si Nina ng kuwarto. Magulo ang buhok at nakasuot ng damit pantulog. Hawak niya sa isang kamay ang manikang baboy habang kinukusot ang isang mata. "Mama." Napatingin kami sa kaniya. Mukhang nagising. Tumayo si Abby at kinarga ang bata bago lumingon kay Luke. "Hon," sitsit pa niya. "Ha?" "Samahan mo ako sa taas" ani Abby sabay akyat ng hagdan. "Wait lang, Aly, ha." Naiwan ako kasama si Sir Jared, naghihilik na sya. Kinuha ko ang mga nagkalat na baraha at inayos. "Sabi ni Nancy single ka pa raw," bigla niyang tanong. In fairness, hindi ako nagulat. Nasanay na yata ako. "S-Sir. Akala ko tulog po kayo." "You're, what, 35, 36? Walang asawa. Walang boyfriend." Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Ini-stalk mo ba ako, Sir?" "No. Just curious. Maganda ka naman." "Maganda ka dyan." Inirapan ko sya. "E, bakit ikaw, sir? May asawa ka na ba?" "Op, I asked you first." Umupo ako sa sofa across him. "Masasaktan lang ang lalaking magmamahal sa kin, sir." "Korek." Sandaling umiral ang katahimikan. Tumayo sya at dinampot ang deck ng baraha sa mesa. Lumapit sya sa akin at inilahad ang limang baraha sa harap ko. "Pumili ka ng isa." Natawa ako. "Magician ka naman ngayon, sir?" "Basta." "Pinagti-tripan mo lang ako, e." "Dali na." Kinuha ako ang Queen of Hearts. "Wag mo ipapakita sa akin. Ibalik mo sa loob ng deck." Ibinalik ko. "Hawakan mo yung deck." Kinuha ko yung deck. "Ipikit mo ang mga mata mo, isipin mong maigi yung card." Ipinikit ko ng mahigpit ang mga mata ko. Tahimik. Hindi sya nagsasalita. "Ano na, sir?" Hindi sya sumasagot. "Sir? Sabi ko na trip to, e–" Idinilat ko ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita ang mukha nya sa harap ng mukha ko. Ang titig nya na parang tumatagos sa kaluluwa ko. Parang unti-unting umiinit ang pakiramdam ko. "Queen of Hearts," pabulong nyang sambit. Napalunok ako. "S-Sir–" Ipinikit nya ang mga mata at dahan-dahang lumiit ang pagitan ng mga labi namin. Aly, gumalaw ka. Galaw. Hindi ako makagalaw. Bakit hindi ako makagalaw? Naramdaman ko na lang na lumapat ang mga labi nya sa mga labi ko. Ang malambot at mainit nyang halik. Wala akong ibang naririnig kundi ang malalakas na kabog sa dibdib ko. Ito… ang ikalawang halik na natanggap ko mula sa isang lalaki… Tulala ako habang magkadikit ang mga labi namin nang bigla na lang syang bumagsak at naghilik ng malakas. Tulala pa rin ako. Ano ba yung nangyari? *** Alyson Dimaano 3rd Floor, Auditorium October 13, 2002 "Anong ibig n'yong sabihing nagback out si Chad?!" padyak ko ng isang paa sa inis. "Aly, sorry. Hindi na talaga siya pwede." Kamot-ulong tugon ni Eric. "No! We've been practicing for almost a month! Hindi siya puwedeng mag-back out!" "Aly, napilayan yung tao. Hindi na talaga siya–" "Urgh!" Sinapo ko ang mukha ko at hindi na napigilang mapaluha. Isang buwan naming pinaghahandaan ito. At ngayon, mauuwi lang sa lahat sa wala. Biyernes na ngayon at sa lunes na ang play. Hindi ko na alam ang gagawin. Kinagat ko ang labi ko at nagpigil sa pag-iyak nang humahangos na pumasok si Jhudie sa Auditorium. "Aly! Aly!" Napatayo ako. "Aly! O, my God! May nakuha na kaming kapalit ni Chad!" "T-talaga? P-pa'no?" pahid ko ng palad sa mga luha ko. "Si Bryan Motereal! 'Yong crush mo!" "H-ha?" "Oo! Nabalitaan niya na nag-back out si Chad. Nung mabalitaan niya na ikaw ang lead sa play, nag-volunteer siya. And guess what? Kabisado niya 'yong script ng Queen of Hearts! Nag-lead na rin siya sa play no'ng third year siya." "T-talaga?" Nabuhayan ako sa mga sinabi ni Jhudie. "Yes. Meron pa tayong Saturday and Sunday para mag-practice!" *** Jared Cruz 3rd Floor, Auditorium October 16, 2002 Umaga ng lunes. Mamaya na ang play nina Aly. Ibig sabihin, ito na rin ang huling araw na makikita ko siya ng madalas sa Auditorium. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan paakyat ng third floor nang harangin ako ni Lui. "Jared!" Kumakain sya ng tigli-limang pisong donut sa canteen. Napapaling sya ng tingin sa hawak kong nakatiklop na papel. "Ano 'yang hawak mo? Stationary ba 'yan?" "W-wala ito." "Patingin." Hablot niya sa papel mula sa isang kamay ko bago tumalikod at binasa. "Oy! Baka malagyan ng asukal!" Napangisi siya. "Sulat para kay Alyson? Aly... gusto talaga kit–" "Akina nga 'yan!" Hablot ko ulit sa sulat sabay irap sa kaniya. “Ibibigay mo ba talaga kay Alyson yan?” Di ako sumagot habang binabalik sa pagkakatupi ang sulat. "Tol, wag mo ba ituloy yang balak mo. Tignan mo nga 'yang sarili mo... ang laki ng ulo mo tapos ang payat mo, mukha kang lollipop." Sumimangot ako. “Grabe naman, tol.” "Magpasalamat ka na lang at sa 'kin mo narinig ang mga 'yan. Kung kay Alyson mo narinig 'yan, mas masasaktan ka lang." "Basta. Wala nang makakaawat sa 'kin." Maglalakad na sana ako nang harangan niya ako ng braso. “Mamaya ka na lang kaya pumasok?" Hinawi ko ang braso niya at nagpatuloy sa paglalakad. Itinulak ko ang pinto ng Auditorium at natigilan bigla sa nakita. Nakita ko sina Aly at Bryan na magkaharap at magkahawak ng kamay. "Trust me, okay?" sabi ni Bryan kay Aly. Ipinikit ni Aly ang mga mata niya bago naglapit ang mga labi nila at nagdikit. Napakuyom ako sa sulat sa kamay ko. W-wala 'yon sa script. Lumapit sa akin si Lui at hinawakan ako sa balikat. Kabisado ko ang script niya... w-wala yon sa scri... Bakit ganito? Sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Tumalikod ako bago naglakad palayo mula sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD