“Hala! Totoo ba?” gulat na gulat na tanong ni Marlyn sa kanya. Mabilis na naglapitan ang mga kasamahan niya sa trabaho matapos malaman ng mga ito na magre-resign na siya. Matapos ang isang buwang pag-iisip ay nakapagdesisyon na siya. Hindi talaga niya kaya ang labing-dalawang oras na pagtatrabaho sa kompanya sa loob ng anim hanggang pitong araw at sasabayan pa ng pagsusulat niya. Napansin niyang sobrang napapagod talaga siya at halos wala ng pahinga. At isa pa, mahirap talagang magtrabaho nang hindi mo hawak ang oras mo. Minahal naman niya ang kanyang trabaho sa loob ng halos anim na taon rin. Iba-ibang kompanya at iba-ibang mga taong nakakasalumaha sa trabaho. Ngunit sa tingin niya, hindi talaga siya doon nakalaan kaya nakapagdesisyon na siya. Aalis na siya sa kompanyang iyon at tatah

