Masayang-masaya ang kanyang ama habang nakikipagkuwentuhan kay Robb. Para bang napakagaan na ng loob nito sa binata. Kung titingnan ang mga ito ay para bang ito ang tunay na mag-ama. Natutuwa naman siyang makita iyon. Natutuwa siyang malaman na tanggap ng kanyang ama ang panliligaw ni Robb sa kanya. “Uuwi na po ako,” tila iritable namang sambit ni Cedric. Tumayo na ito sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa. Halata sa mukha nito ang disgusto sa nakikitang closeness ng kanyang ama at ni Robb. Napansin din kasi niyang naging tahimik na ito at tila na-out of place na. “Ay ganoon ba? Sige hijo, mag-ingat ka. Pasensiya ka na at tinanggihan ko ang alok mo at mas pinili ko ang alok nitong Robb,” tugon naman ng kanyang ama. “Wala ho iyon. Sige po, alis na ako,” malamig na tugon ni Cedric. Ramdam

