56: Book Signing

2602 Words

“Ready ka na ba sa book signing mo, Miss K.M?” tanong ni Jennie, isa sa mga staff ng Pluma Publishing at isa ring editor roon. Napalunok naman siya bago tumango. Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nasa back stage pa lamang siya ay napakabilis na ng t***k ng kanyang puso. Nag-uumpisa na ang event at nagsasalita na ang MC. Isa-isa na ring tinatawag ang mga co-writers niyang kasama rin sa book signing event na iyon. Sikat na ang ilan sa mga iyon at ang iba pa nga ay idolo rin niya sa larangan ng pagsusulat. Hindi niya akalaing makikita rin niya ang mga ito. “And now, may I represent to you our newest writer. The author of My Puppy Love, Miss K.M. Loyola,” anunsiyo ng MC na si Nina. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa front stage kung saan nakahanda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD