“Pasensiya ka na talaga kay Cedric.” Ilang beses na niyang nasabi iyon kay Robb at nakailang ulit na. Hiyang-hiya siya sa ginawa ni Cedric dito. Hanggang sa maihatid siya nito sa bahay ay ganoon pa rin ang kanyang sinasambit. “Wala iyon,” sabi naman ni Robb na nakangiti. Nakayuko naman siya at hindi makatingin sa binata habang nakatayo sa harap nito. Nasa pintuan na siya ng bahay at inihahatid na niya palabas si Robb. Naipasok na rin naman nila ang mga pinamili niya sa loob. “Nahihiya talaga ako sa’yo,” sabi pa niya. “Hindi ka dapat sinaktan ni Cedric.” “Naiintindihan ko siya kung bakit niya nagawa iyon. Intindihin mo na lang din siya. Mag-usap kayo.” Bumuntong hininga naman siya. “Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sa totoo lang, ayoko nang makipagbalikan pa sa kanya.” “B

