Hindi pa rin matigil si Kate sa kakaiyak. Napakasakit para sa kanya ang nangyari kanina sa party. Umaasa pa naman siya na totoo ang pakikipagkaibigan ni Rose Anne sa kanya pagkatapos ay hindi naman pala ipapahiya lang pala siya nito sa maraming tao. Ipapamukha sa kanya na ito ang babaeng karapat-dapat kay Robb at hindi siya. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mga ito. Lalo na ni Robb na inaasahan niyang magtatanggol sa kanya at ipagmamalaki siya bilang nobya nito. She became confident without knowing the unexpected event that will break her heart. Hindi na iyon matanggap. Ang akala niya ay okay na ang lahat. Ang akala niya, sa pangalawang pagkakataon, magiging masaya na siya kasama si Robb pero hindi pala. Umasa lang siya sa wala. “Anak, tahan na,” alo ng kanyang ina sabay hagod sa

