“Don’t ever look at my girlfriend like what you did before and don’t talk to her like you are so close. Don’t call her by his nickname okay? I am only one who supposed to call her like that,” mariing sambit ng kanyang kapatid habang ito ay nagmamaneho. Kanina pa ito nagngingitngit at halata iyon sa mukha nito. Nagtataka naman si Robb sa reaksiyon nito kanina pa habang naroon sila sa bahay ng nobya nito pero hindi niya magawang magreklamo. Hindi rin niya nagugustuhan ang ginagawa nitong paghihigpit sa dalaga pero hindi naman rin niya magawang pigilan ito. Kahit ang halikan nito sa harap niya ang nobya nito ay wala rin siyang naging imik. “Bakit hindi ko siya puwedeng tawagin ng ganoon? Maganda naman ang palayaw niyang Kate,” sagot naman niya. Pinanlakihan siya ng mata ng kapatid na kinag

