Tinupad naman ni Cedric ang pangako kay Robb na sasamahan siya nito na marating ang mga lugar na dapat niyang maalala. Una nilang pinuntahan ang Emerald Stone University. Nang makita niya ito ay tila pamilyar ito sa kanya. Sa gate palang nito ay nakatitig na siya roon. May kakaibang bilis ang t***k ng kanyang puso na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya alam kung excitement ba iyon o ano. Basta ang alam niya, tila may kakaibang saya ang puso niya habang nakatitig roon. Bigla na lamang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. “Diyan tayo nag-aral noong high school. Naalala mo ba?” “Pamilyar ang lugar at parang napuntahan ko na ito dati,” sambit naman niya. “You are familiar with the place?” Nagsalubong ang kilay nito at tila nagulat sa kanyang sinabi. Tumango naman siya. “Pero hindi ko pa rin

