Matagal nang naghilom ang sugat ni Robb sa ulo pero ayon nga sa doctor ay nagkaroon siya ng temporary amnesia dulot ng kanyang head injury. Nalaman niya mula kay Cedric ang dahilan ng pagkakaroon niya ng head injury. Dulot daw iyon ng car accident niya at ilang buwan na ang nakakalipas mula mangyari iyon. “Marami pa sana akong gustong itanong at malaman,” sabi niya kay Cedric nang muli siyang dalawin nito sa kanyang kuwarto. Wala na ang mga aparato na nakakabit sa kanya maliban sa dextrose. Maayos na siyang nakakaupo sa kanyang kama ngunit medyo nanghihina pa siya. Marahil ay dahil sa matagal niyang pagkakaratay. “Malalaman mo rin ang lahat. Saka sabi naman ng doctor ay temporary lang ang amnesia mo kaya babalik din ang lahat ng alaala mo.” “Sa totoo lang, mahirap pala itong walang maal

