Tuwang-tuwa si Cedric dahil sa wakas ay nakuha niya ang loob ni Kate nang wala itong kamalay-malay. Ngayon naman ay nais niyang makita ang reaksiyon ng kanyang mga magulang ni Robb lalo na ang kanyang ama. Bumuntong hininga siya at inayos ang sarili bago nag-doorbell sa malaking mansion ng mga Jones. Pinagbuksan siya ng katulong ng mansiyon at gaya ng inaasahan. Para itong nakakita ng multo. Halos lumuwa ang mata nito at malaglag ang panga pagkakita sa kanya. Namutla rin ito at parang natulos ang mga paa sa kinatatayuan. “Are my parents there?” tanong niya rito. “S-Sir Robb… i-ikaw nga po ba talaga iyan?” naniniguro at halos mabulol na sambit ng katulong. “Stop acting like you saw a ghost. I am completely alive. Don’t you see? I am standing in front of you,” suplado niyang tugon. “I

