61: Suspicious

1898 Words

Kapansin-pansin ang labis na saya ni Kate habang namamasyal sila sa park at magkahawak kamay. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang matamis na ngiti nito pero hindi niya magawang ipakita dito ang saya dahil mas nangingibabaw sa kanya ang pag-aalala. Kahit hindi naman talaga siya masyadong takot sa banta ni Rose Anne ay nag-aalala pa rin siya. Hindi kasi niya alam ang binabalak nito. May pagkatuso rin si Rose Anne kaya alam niyang gagawin nito ang banta. “Alam mo, Robb. Mula noong nagkabalikan tayo at naging published author ako, bigla na lang pumasok ang maraming ideya sa isip ko. Hindi ko tuloy alam ang uunahin ko,” masayang kuwento ni Kate. Nakatingin ang mga mata nito sa dinaraanan nila habang naglalakad. Paminsan-minsan lang itong sumusulyap sa kanya. “Ang ginagawa ko na lang, nagn

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD