Chapter 7- Mister Wrong becomes Mr. Right

1293 Words
MARCUS I felt different when she seated me a while ago. There's something I can't just explain. Hindi naman kakaiba ang ginawa niya, umupo lang naman siya sa tabi ko pero may kung anong kasiyahan ang namuo sa puso ko. Unlike our first met, tahimik ito at hindi madaldal ngayon. Mas gumanda pa ito sa paningin ko sa suot na naman nitong parang panglalakeng porma. Napailing na lang ako ng balikan ko ang hitsura nito kanina ng magtama ang mga mata namin ng muli kaming magkita. Wala itong kakurap-kurap, para nga itong natuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla nito. I was amazed by her simply simple and fascinating beauty. Kakaiba ang kilos at epekto nito sa akin na hindi ko maintindihan. I tried to ask for her number in a way that she will not misunderstand my intention. I just want to be close with her, that's it. I'm not the typical guy who asks a number of women whom I met. Sila ang nanghihingi ng number ko, then after a minute they will text me to hang out and that's the start of a one-night stand that usually happens. But this woman, named Aya...she's too timid and the same time wild. Bigla na lang itong nang-iirap at pagkatapos ay titigin siya ng masama. Nakakatakot tuloy itong maging girlfriend oh asawa at baka bigla na lang mangagat. I just smile in thought, biting me with her red and tempting lips...Urgghhhhh! Napalig ko ang ulo ko ng maisip ko ang tagpong iyon. And one thing is for sure, hindi ako aalis ng Ilocos Sur na hindi ko siya nakilala ng mabuti. I'm sure and determine of that. AYA Nakabalot pa ako ng kumot ng marinig ko ang mga maliliit na katok sa pinto ng kuwarto ko. Antok na antok pa ang pakiramdam ko ng umagang iyon dahil bukod sa hating gabi na ako nakauwi ay hindi pa ako agad nakatulog kagabi. Gaano nga ba ako katagal nakatitig sa kisame ng kuwarto ko? Halos ilang oras din iyon, bakit ba kasi kailangan pang paulit-ulit na bumalik sa imahinasyon ko ang guwapong mukha ng Marcus Napoleon na'yun. Ano na ang mayroon sa lalakeng iyon at parang nagayuma yata niya ang isipan ko. Naiinis akong isipin na naapektuhan ako sa bawat tingin, paraan kung paano ito magsalita, sa guwapo nitong mukha na talaga namang nakakalaglag ng panga. Ang katawan nitong matcho sa lahat ata ng angulo kapag tiningnan niya ito. Maging ang amoy nitong pabango ay naiwan ata sa dulo ng ilong niya at hanggang ngayon ay naaamoy pa rin niya ang mabangong amoy nito. Napatalukbong na lang ako muli ng kumot ss sobrang hiya na nararamdaman ko sa mga katotohanang iyon. Tsssk! "Aya apo..." muli kong naibaba ang kumot nakatalukbong sa akin ng marinig ko ang boses ni lola na nasa labas ng kuwarto ko. Napatalon ako sa kama para buksan agad ang pinto at mukhang kanina pa kumakatok pa ito kumakatok, nakakahiya. "Lola..." Nahihiya kong bungad na bati sa kanya. Alanganin pa akong nangiti sa harap nito kahit na gulo-gulo ang buhok ko at hindi pa ako nagmumumog. "May naghahanap sayo hija sa baba."Tumingin pa ito sa baba kung nasaan ang sala namin. At doon ay para na naman akong natuklaw ng ahas sa nakita ko. Bakit nandito na naman ang lalake na yan?! Binalik ang tingin sa akin ni lola na hindi rin makapaniwala na may lalakeng humahanap sa akin ng umagang iyon. Napangiwi na naman ako sa tabi mismo ni lola at mukhang naghihintay ito sa isasagot ko. Napakamot din ako sa batok na parang nahuli ako sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa. "A-ahhhh..." Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Marcus at sa lola. Hindi ko alam kung sino ang titingnan ko sa kanilang dalawa. Si lola ba na nasa tabi ko at naghihintay ng sagot ko sa tanong nito kung sino at bakit may guwapong lalake na nakaupo ngayon sa sala namin? Oh si Marcus na nakangiti ngayon habang nakatingin sa aking ng mga oras na iyon. Sa huli ay nagpaalam na lang ako kay lola na maliligo lang saglit saka ako lalabas sa sala para harapin si Marcus na hindi ko alam kung ano naman ang nakain at muli na naman itong nagpakita sa bahay namin. **** "Ah, hijo...pasensiya ka na at ang apo ko ay ngayon lang nagising. Aywan ko nga ba sa batang iyan kung bakit ngayon lang nagising samantalang hindi naman niya gawain na maabutan ng sikat ng araw sa higaan. Hindi rin naman siya umalis kagabi." Ibinaba nito ang isang basong kape sa side table at nakangiting tiningnan muli si Marcus. "Ano nga pala ang pangalan mo, hijo?" Sunod nitong tanong kay Marcus. "Ako po pala si Marcus Napoleon." Halatang nagulat ang lola ni Aya ng marinig nito ang sagot ni Marcus. Para itong nakarinig ng masamang balita ss hitsura nito at bigla ay nag-iba ang timpla ng mukha nito. "Napoleon ang apolelido mo?" "Opo, anak po ako ni Governor Napoleon." Mas lalong nawala ang ngiti sa mukha ng lola ni Aya at napaupo na lang ito bigla sa isang upuan na katapat ng nito. Hindi ito agad nakapagsalita hanggang sa marinig ng mga ito ang boses ni Aya. "La..." Sabay na napalingon ang mga ito kay Aya at tinitigan ang dalaga. "Apo, nandyan ka na pala." Parang hirap na sabi ng lola ni Aya. "Opo lola, pasensiya na po kayo kanina at hindi ko kayo nasagot sa tanong nyo." Hingin paumanhin ni Aya sa lola nito at saka sinulyapan si Marcus na nakatingin din sa dalaga ng mga sandaling iyon. "Lola, siya po si Marcus Napoleon...anak po ni governor." Pakilala ni Aya kay Marcus sa lola nito. "N-nasabi na niya apo kanina kung sino siya."matamlay na sabi nito kay Aya. Nagtaka pa si Aya sa naging reaksyon nito. Hindi rin nagtagal at malungkot na nagpaalam ito kay Aya na pupunta na ito ng kusina. Sunod namang binalingan ni Aya si Marcus at saka nito tiningnan ng masama. "Ano na naman ang kailangan mo at nandito ka?" Mataray na bungad na tanong ni Aya kay Marcus na ikinangiti naman ng binata. "Why that kind reaction after I brought you here last night?" Nakakaloko nitong balik na tanong kay Aya. "Sandali...aba, hindi ako ang namilit na ihatid mo ako dito sa bahay ah." Reklamo ni Aya kay Marcus. "Sa pagkakaalala ko mister, ikaw ang nag-ooffer sa amin ni She-she na isakay mo kami hindi ba?" "Yeah, but that's not what I mean okay. Ang sa akin lang, baka naman puwedeng kausapin mo ako ng maaayos after what I've done to you and your friend, right?" Seryoso nitong sabi kay Aya. Saglit namang natahimik si Aya sa sinabi ni Marcus at napasandal na lang ang likod nito sa upuan. "Nagpasalamat na ako sayo kagabi, hindi ba? Hindi pa ba sapat iyon at talagang sa ganitong kaagang oras ay mambubulabog ka sa bahay namin?" Napangiti muli si Marcus sa sinabi ni Aya at saka nito ginaya ang ginawa nitong paglapat ng likod sa upuan. "I just want to make sure na dito ka talaga nakatira at hindi kaninong bahay lang ang binabaan mo kagabi." Wala sa loob ni Aya na muling napatingin kay Marcus at tiningnan ito ng masama. "Ay iba ka rin talaga nuh. At sa tingin mo nagsisinungaling ako ng sabihin ko sayo na dito ako nakatira?" Iritado ng sabi ni Aya. Napakibit balikat na lang si Marcus at saka nito nakangiting inabot ang tasa ng kape sa side table. "Alyana!" Isang malakas na hiyaw ang narinig ni Aya at Marcus na nagpatingin pareho sa labas ng pinto kung saan nanggaling ang boses ng taong sumisigaw. At ng tuluyan itong makapasok sa loob ng bahay ay mabilis na nanglaki ang mga mata nito at napaawang ang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD