ALYANA
Kasalukuyang ako nasa bukid at tinitingnan ang mga namimitas na mga trabahador namin. Buti at kulimlim ang panahon kaya mga nakangiti ang mga ito habang nasa gitna ng bukid at pinupuno ang tiklis ng mga gulay.
Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga ito ng biglang mag vibrate ang di keypad kong cellphone na nasa belt bag na nakasukbit sa bewang ko. Agad ko iyong kinuha at binuksan, pagkatanggal ko ng lock nito ay bumungad ang text ni She-she sa akin.
Hoy babaita, ano ba ang balak mo sa fiesta? Dyan ka na lang ba talaga sa bukid nyo maglalagi hanggang sa malosyang ka kakatanim?
Tsssk! Napakatalas talaga ang dila ng babaeng iyon. Walang preno! Kung hindi ko siya personal na kakilala ay malamang na iisipin kong nakawala sa mental ang isa na yun. Kainis! Pati ang pamamalagi ko sa bukid ay napaka big dig dito. Malamang na may binabalak na naman itong kalokahan kaya pilit akong sinasama sa fiesta.
Pinili ko na lang na hindi ito replyan at tiyak na hahaba pa ang usapan naming dalawa. Tatawag naman ito panigurado mamaya kapag nainip sa reply ko.
Patapos ng mamitas ang mga trabahador namin sa bukid ng maigayak ko ang kanilang miryenda na ang lola ang mismong naghanda. Nagluto ng sinanglao, pakbet at longganisang vigan si lola kaya paniguaradong mabubusog ang mga ito. Nakangiti ko silang sinalubong.
“Kumusta po ang pitas Ka Nardo?” Mga nagsipagtanggal ng balanggot ang mga ito saka isa-isang umupo sa upuang gawa sa kawayan.
“Ayos naman Aya, sinakto lang namin ang timbang ng gulay na kailangan mong ideliver sa bayan bukas ng umaga.” Nakangiti nitong sagot sa akin. Nasiyahan naman ako at kahit na papaano ay may napitas ang mga ito na mga gulay na dadalhin ko naman sa palengke para ideliver sa mga tindera na nag order sa akin kahapon.
“Salamat po sa tulong nyo Ka Nardo, buti na lang at nandyan po kayo palagi para sa amin nila lolo at lola.” Ang mga ito na ang katulong namin nila lolo sa bukid simula ng hindi na kayang magtanim ng mga ito.
“Wala iyon Aya, kung ba kasi ay maghanap ka na ng mapapangasawa mo at ng may makatulong ka na dito sa bukid nyo.” Natatawa nitong sagot sa akin. Muntik pa akong masamid sa iniinom kong tubig dahil sa sinabi nito. Talagang naisingit pa nito ang paghahanap ko ng asawa? Susme!
“Ka Nardo naman, alam nyo naman pong hindi biro ang pag-aasawa di’ba? Hindi ko naman kaya na basta na lang manghila ng sa daan ng lalake at ipakilala sa mga lolo at lola ko.” Reklamo ko sa kanya. Nagtawanan naman ang mga kasamahan nito na parang tinutuligsa rin ako sa mga ginagawa ng mga ito na pagtawa.
“Ikaw kasi masyado kang mapili sa mga manliligaw mo. Si Tony na inirereto naming sayo, maganda na ang trabaho nun sa munisipyo pero binasted mo pa rin.” Napaubo ako bigla sa sagot na naman nito sa akin.
“Kayo po talaga ka Nardo, kung darating po siya kahit nandito pa ako sa liblib na bukid ng Suyo ay mahahanap niya ako, kaya relax lang po kayo at darating din si Mr. Right.” Pakli ko na lang sa harap ng mga ito. Mga bully rin ang mga ito at pati lovelife ko ay napagdiskitahan pa.
Nagtawanan na naman ang mga ito na parang ayaw siyang paniwalaan sa sinabi ko. Kasalanan ko ba kung hindi ko pa nakilala ang lalakeng nakatadhana sa akin kung mayroon man? At hindi naman ako nagmamadali na katulad ni She-she. At isa pa, mahirap ipilit ang isang relasyon kung hindi naman talaga ganoon kaseryoso ang dalawang tao.
Katulad ng mga nirereto nito sa akin, kailangan ba magustuhan ko ang mga iyon agad-agad? Kung wala naman talagang spark, paano ang gagawin ko?
Sa bilyong-bilyon ba naman na tao sa mundo ay dapat akong kabahan na walang taong nakalaan sa akin? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may magtatangkang magustuhan ako, at nakatadhana sa akin, hindi ba?
Minabuti ko na magpaiwan para ligpitin ang mga pinagkainan ng mga ito habang inilalagay sa owner jeep ang mga gulay na napitas ng mga ito kanina.
****
Pagdating ko ng bahay ay agad akong naligo. Naligo naman ako kanina bago pumunta sa bukid kaya lang mas komportable akong naliligo dalawang beses isang araw sa dami ng trabaho ko sa buong araw. Sakto naman na katatapos ko lang maligo sa banyo sa baba at nakatali pa sa ulo ko ang isang towel na gamit ko ng bigla na namang lumitaw si She sa harapan ko.
“Alyana!” sigaw nito sa pangalan ko na ikinangiwi ko naman. Kahit kailangan talaga ay napa iskandalosa nito. Ni wala man lang itong hiya na marinig ng mga lolo at lola ko ang boses nito.
“Tssssk! Ano na naman ang problema mo?” bungad kong tanong sa kanya. Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan bahang kasunod ko ito sa likuran ko.
“Yayain sana kita friend.” Napalingon ako sa kanya saglit.
“Saan mo na naman ako yayain? Ayoko, maaga akong matutulog at maghahatid ako ng mga gulay sa palengke bukas.” Reklamo ko sa kanya agad. Tiyak na may plano na naman ito na hindi ko alam kaya wala akong balak na sumama sa kanya.
“Aya naman, paminsan-minsan naman ay magrelax ka rin hindi puro trabaho sa bukid. Maawa ka naman sa sarili mo.” Nilagpasan pa niya ako at nauna na itong lumakad sa taas ng hagdan.
“Ayokong sumama sayo okay, pagod ako.”
“Yun nan ga, kaya dapat na mas magrelax ka kasi pagod ka sa maghapong trabaho mo sa bukid.” Giit naman nito sa akin at napabuntonghininga na lang ako. Hindi talaga ako mananalo dito kahit kailan.
“Fine, at saan naman tayo pupunta?” Biglang nagningning ang mga mata nito ng marinig nito na sa wakas ay napapayag na naman niya akong sumama dito.
“Sa bayan day, may mga palabas dun ngayon sa plaza. At ito pa, darating daw ang anak na bunso ni Gobernor Napaloen na international model. Oh di’ba?” May paghangang pagkukuwento nito sa akin. Napaismid na lang ako pagkatapos.
“Dun lang pala tayo pupunta, eh bukas ay madadaaanan ko rin ang plaza kapag nagpunta ako sa palengke at maghahatid ako ng mga gulay di’ba?”
“Alyana naman, abe iba ang makikita mo bukas sa plaza sa makikita mo ngayon ano ka ba. Poging anak ni governor ang dadayuhin natin ngayon dun.” Pagpupumilit pa rin nito sa akin. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at kasunod ko rin ito papasok.
“Ikaw na lang ang pumunta dun, tinatamad ako.” Tinanggal ko na ang nakapalupot na towel sa ulo ko at saka ko sinaksak ang maliit na stand fan na nakapatong na isang table sa kuwarto ko.
Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang electric fan na binuksan ko.
“Sige na Aya, samahan muna ako.” Umupo pa si She sa table na kinapapatungan ng electric fan ko at saka niya ako inungutan muli. “Maatim mo ba na mag-isa akong pumunta dun sige nga friend?” At kinunsensya pa talaga niya ako.
“Gusto mong magpunta dun hindi ba, puwes magpunta kang mag-isa.” Mataray kong sagot sa kanya na ikinalaki ng mata nito.
“Grabe ka Aya, gusto mo ba na ipaalala ko sayo ang bilin nila Tatay sayo dati?”
Napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko ng marinig ko ang huli nitong sinabi. Sinabi na nga ba niya na sunod nitong sasabihin ang alas nito sa akin para mapasunod na naman ako sa gusto nito.
Pareho na kaming naulila ni She sa mga magulang, ang kaibahan lang ay ang ama ko ay hindi hindi ko alam kung buhay pa oh papaano, samantalang si She ay paraho ng patay ang mga magulang nito. Namatay pa ito sa mismong tabi ni She-she.
Minsan na nagtungo sa bayan ang mga ito gamit ang isang tricycle at aksidenteng nabundol ang mga ito ng isang van kaya isinugod nila ni She ang mga ito sa hospital. At doon ay nakausap ko pa ang mga ito habang naghihingalo. At pinangako ko sa mga ito na hindi ko pababayaan si She ano man ang mangyari. Simula pagkabata ay magkaibigan na kaming dalawa at para na kaming tunay na magkapatid.
Dahil dun ay pinangako ko rin sa sarili ko na aalagaan ko si She-she sa abot ng aking makakaya katulad ng pinangako ko sa mga magulang nito bago namatay ang mga ito.
“Oo na! D’yan ka naman magaling, ang mang blackmail.” Sunod kong sagot sa kanya. Napangiti naman ito dahil wala na naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito.
“Sabi ko na nga ba at hindi mo ako mahihindian friend ih.” Humawak pa ito sa braso ko na parang isang bata na pinagbigyan ng nanay na mamasyal kung saan.
Nagpaalam nga kami kay lolo at lola na mamasyal muna sa plaza at madalang pa naman siguro ang tao dun sa mga oras na iyon. Hindi na lang namin binanggit na ang talagang pakay namin sa pagpunta sa plaza ay para makita ang pinagyayabang ni She na bunsong anak ng gobernor ng Ilocos Sur.
Umarkila na lang kami ng tricycle papunta sa bayan at delikado rin kung gagamitin naming ang owner jeep ko. Bilin din nila lolo at lola na hindi ako dapat nagmamaneho ng gabi at delikado na rin.
Magkatabi kaming nakaupo sa loob ng isang tricycle na inupahan namin para dalin kami ng diretso sa bayan ng Suyo at sa plaza kung saan nagaganap ang gabi-gabing palabas bago ang mismong fiesta.
Pagdating namin sa lugar ay sinalubong kami ng maraming tao. Lahat ng mga ito ay nagsisilakaran na para bang sabik na sabik na makalabas ng bahay sa gabi. Naiyakap ko ang dalawa akong braso sa sarili ko ng makaramdam ako ng ginawa dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Nakasuot ako ng isang kupasing maong na jacket at alam kong maginaw sa labas, samantalang si She ay halos kita na ang kaluluwa nito sa suot nitong dress na nililipad pa ng hangin ang mga dulo nito.
“Friend, ano ang sabi ko sayo? Dadagsain ng tao ang palabas ngayong gabi dahil na rin sa pagdating ng anak ni Gobernor Napoleon bukod sa panganay nitong si Sandro na guwapo rin kaso mas bet ko yung bunso.” Napailing na lang ako sa sinabi nito at kulang na lang ay batukan ko ito ng isa para magising sa katotohanan na hindi ang katulad namin na taga probinsiya ang papansinin ng mga anak ni gobernor.
“Halika at bumili muna tayo ng popcorn at saka tayo maupo sa mga batong upuan dun habang hinihintay natin ang mga guwapong anak ni goberno.” Kinikilig pang sabi ni She. At humanap nga kami ng magandang puwesto na puwedeng upuan pagkatapos naming bumili ng tig isang popcorn at softdrinks.
Kariniwan sa mga nakikita naming nagtsatsagang pumunta sa lugar na iyon ay mga kabataan na pawang mahihilig sa mga gimik, sayawan at maingay na lugar.
Nagpapatugtog ang mga buhay na buhay na tugtugin ang pinaka nasa audio connection ng plaza at talagang kitang-kita mo ang mga tao na masayang-masaya ang hitsura.
“She, hanggang anong oras ba tayo dito?” Walang gana kong tanong sa kanya. Inaatok na rin kasi ako talaga at halos magdadalawang oras na rin kaming nakikinig ng music. Niyaya niya akong maglakad-lakad sa paligid ng plaza pero tumanggi ako at mas nanaisin ko pang magkantakalyo ang puwit ko kakaupo kaysa ang magpagod na maglakad ng maglakad.
“Mayamaya uuwi na rin tayo Aya, hihintayin lang natin na magsalita ang anak ni gobernor. Saka huwag kang mag-alala at kapag nakita mo siya ay paniguradong mawawala ang antok mo.”
Muli akong napailing at talagang mahirap na makipagdiskusyunan sa isang tulad ni She na buhay na ata nito ang maging fan ng mga sikat na tao dito sa Ilocos Sur. Para itong paparatzi sa mga pinaggagawa nito.
Labing limang minuto pa ang nakalipas at bigla kaming may narinig na mga convoy na malalaking motor. Sunod na nakita naming ang pagpasok sa loob ng plaza ng tatlong mamahaling sasakyan na malamang ay pagmamay-ari ng mga Napoleon.
Sunod kong nakita ang pagbukas ng pinto ng isang kotse at unang bumaba si Gobernor Napoleon. Nilingon ko rin saglit si She na halatang excited na excited sa pag abang na makita ang mga anak ng gobernor.
“Aya, nandyan na siya! Makikita na natin ang bunsong anak ni gobernor,” kinikilig pa nitong turan sa akin. Sunod kong ibinalik ang mga mata ko sa dalawang sasakyan na parehong kulay itim at sakto naman na paglingon ko ay bumaba ang isang lalake na parang pamilyar ang hitsura sa kanya.
Nakasuot ito ng long sleeve na kulay itim habang naka tack in, kapartner nito ang fitted maong jeans na siyang naging sentro ng aking mga mata. Lalaking-lalake ang katawan nito dahil sa suot nitong pantalon na hapit sa malalaki at firm nitong mga hita. Nakasuto ito ng sneakers at tanging isang relo sa pambisig lamang ang suot nitong alahas. At aaminin kong talagang guwapo ito sa paningin ko ng gabing iyon. Napailing ako sa bigla kong pagpuri dito.
Talaga ba Aya, naguguwapuhan ka sa kanya?
At bigla na lang napatigil ang mga mata ko sa lalakeng iyon ng kumaway ito sa maraming tao at ngumiti sa mga ito. Parang aong nakakita ng kung anong multo ng makita ko ang mukha ng lalakeng kanina ko pa pinagmamasdan.
Hindi ako maaaring magkamali, ito ang lalakeng nakasalubong ko kahapon sa daan na muntik ng makasagasa akin! Napahawak ako ng mahigpit sling bag na naksukbit sa harapan ng katawan ko pagkatapos.
Napaayos ako ng upo at nanatili akong gulat sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na magtatagpo pang muli ang mga landas namin ng walang modong lalakeng iyon! At dito pa talaga sa plaza ng Suyo kami magkikita?