Now playing: Just One Kiss - Loving Caliber Feat Mia Niles Nicole POV "Skyler, kailangan nating makabalik before midnight sa bahay. Saan ba tayo pupunta?" Naiinip na tanong ko sa kanya dahil basta na lamang ako nitong hinila palabas ng bahay namin kanina. Ni hindi man lamang nagawa nitong magpaalam sa aming mga kaibigan at mga magulang. Yes, nagtipon-tipon kaming magkakaibigan at pati na rin ang aming mga magulang para salubungin ang birthday ko. Of course, mawawala ba si Chase sa eksena? Syempre hindi. Kaya nga nagulat na lamang ako noong basta akong kaladkarin ni Skyler patungo sa parking lot at basta na lamang isinakay sa kanyang kotse. "Basta. Wag ka ngang OA?!" Saway nito sa akin bago napangisi. "Hindi naman ako magtatagal. Ikaw lang." Pagkatapos ay napatawa siya bilang pang-aa

