Now playing - Kundiman - Silent Sanctuary Violet POV Bago ako tuluyang lumabas ng Baylight ay ilang minuto ko pang pinanood si Nicole mula sa pinagkukublian ko para hindi niya makita. Habang isa-isang binibigay at inaabot sa kanya ang violet roses na pakana ko, sa tulong na rin ni Skyler. Kitang kita ko kung paano naglalaglagan ang kanyang mga luha. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng sobrang lungkot. Gustong-gusto ko siyang lapitan, yakapin at batiin sa kaarawan niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Pero alam kong hindi na iyon pwede. Hindi na namin pwede gawin ang dating nakasanayan. Kailangan naming ipanatili ang distansya sa aming dalawa. So, I decided na pagkatapos ng ilan pang sandali ay tuluyan na akong tumalikod at aga

