Now playing: Alam Ko - John Roa Violet POV "Wow! I hope that you will say good news because you are the one who initiated the call." Nahihimigan ko ang masigla at excitement na boses ng aking ina mula sa kabilang linya. Napakamot ako sa aking batok habang may malawak din na ngiti sa aking labi. Medyo nahihiya man ako pero this time, alam kong seryoso na ako sa gagawin ko. At alam ko rin gagawin ko ito para sa amin ni Nicole. "About the position, you are offering me in the company." Sagot ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at halatang hinihintay lamang ang susunod kong sasabihin. "Gusto ko lang sanang itanong kung kailan ako pwedeng magsimula? I-I mean, syempre hindi ako papayag na hindi ko 'yun paghihirapan. Ayoko naman na ibigay ninyo sa akin ang posisyon nang ganun-ganun lang." Paliw

