Now playing: Other Side - Ruelle Nicole POV Hinintay ko lamang na makatulog si Violet atsaka ako dahan-dahan at maingat na lumabas na ng kwarto. Kanina pa kasi ako hinihintay ni Skyler sa labas. Wala kasi akong sasakyan dito at hindi ko naman pwedeng hiramin kay Violet ang kanyang kotse dahil tiyak na magtataka 'yun, kung saan ako pupunta na ganitong disoras na ng gabi. "What took you so long?" Naiinip na tanong ni Skyler sa akin bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. "Shut up! Hinintay ko lang na makatulog si Violet." Paliwanag ko sa kanya habang pinapasibad na nito ang sasakyan papalayo. "Are you sure na hindi siya nagising?" Paninigurado na tanong nito sa akin. Hindi na lamang ako sumagot at sa halip ay nagbaling na lamang ng tingin sa labas ng bintana. "Anong status?" Pag

