Rigor Nang malapit ng mag-alauna, saktong pagdating ni Lim ay pababa na ako ng hagdan. Inabot ko sa kaniya ang dala-dalang attache case at nauna na sa paglabas. Sumunod naman ito sa aking likuran. Nilingon ko siya mula sa likuran. “Lim, the follow up about our proposal to Mr. Miranda?”i asked. Sumagot naman ito agad. “About that sir, according to his secretary, Mr. Miranda wants to talk to you privately about that matter.”sagot nito. Huminto na kami sa tapat ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako kaagad ni Mang Mando. Napangisi ako. Huminto ako sa pintuan at nakapamulsang hinarap siya. “Good. Job well done, Lim.”saad ko at marahan siyang tinapik sa balikat. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan habang hindi nawawala ang ngisi sa aking mukha. ‘Mukhang umaayon sa akin ang tadhana.’

