Chapter 1
Betty
Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng corridor aming department building. Kaunti pa lang ang mga estudyante na naroon dahil na rin sa on-going pa rin ang enrollan. Hindi ko kasama ngayon ang aking kaibigan na si Jinie dahil naroon ito ngayon sa aming apartment at nag-aayos ng mga gamit.
Sa magandang paaralan ng Kaisen ako nag-aaral. Halos lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman at may kaya sa buhay. Dahil sa tulong ng aking boss na si Kaylee ay nakapag-aral ako dito.
Si Kaylee Minerva Sanchez ang boss ko sa coffee shop. Halos magta-tatlong taon na akong nagtatrabaho doon. Mabait si Boss Kaylee sa mga trabahante nito at itinuturing silang sariling pamilya. Ito ang tumulong sa akin na makapasok sa paaralan ng Kaisen at full scholar pa. Wala akong binabayaran kahit na mga libro, mayroon pa akong nakukuhang scholarship allowance tuwing ika-anim na buwan.
Malaki ang pagpapasalamat ko sa kaniya dahil doon at kahit na nag-aaral na ako sa Kaisen ng kursong business management ay hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko sa coffee shop. Madalas naman ang oras ng aking pasok ay umaga hanggang tanghali, at ang kukunin ko naman na duty sa coffee shop ay tanghali hanggang gabi.
“Betty! Bukas daw ha? Sa music room ang meeting!”
Sabi ng isang member ng choir club sa akin. Nakasalubong ko ito ngayon habang palabas ako ng Kaisen.
“Oo, Chynna, salamat sa pagpapaalala!” sabi ko naman.
Mababait ang mga estudyanteng nag-aaral dito, hindi sila nambu-bully ng mga katulad kong galing sa mahirap na pamilya. Nang malaman nga ng mga ka-klase ko ang buhay ko ay bigla nila akong binigyan ng mga damit, at kung mayroon pa raw akong kailangan ay magsabi lang ako.
Nakakahiya dahil marami akong natatanggap sa kanila. Nang nakaraang taon ay sinorpresa naman nila ako noong birthday ko, ang pasimuno ay si Jinie. Binilhan nila ako ng cake at sa mismong coffee shop ni Boss Kaylee nila ako sinurpresa.
Nakakatuwa talaga!
Nang makalabas na ako ng kaisen ay nilakad ko lamang ang papunta sa apartment namin. Siguro ay mga labing limang minuto kung lalakarin. Para sa akin ay malapit na iyon, pero kapag si Jinie ang kasama ko ay palagi siyang nagrereklamo na malayo raw.
Mayroon kasi siyang driver, pero hindi ko alam kung bakit mas gusto niyang tumira sa apartment kasama ko. Mayaman naman sila Jinie, ilang kumpanya ang pagmamay-ari nila pero naninirahan siya sa maliit na apartment namin.
Isa din sa nakakatuwa kasi hindi siya maarte at parang hindi siya anak ng mayaman. Hindi kasi siya iyong tipo ng pa sosyal.
“Jinie? Andito ka pa ba?”
Tanong ko nang makapasok na ako sa apartment namin. Nang maupo ako sa sofa sa gilid ay inilabas ko ang aking cellphone na nasa loob ng bag.
“Andito pa!” sigaw naman niya mula sa loob ng cr.
Siguro ay gumagayak pa siya. Nang makalabas sa banyo si Jinie ay dumiretso siya sa kaniyang kama at kinuha ang bag nito.
“Itong dorm, ha? ‘wag mong iiwanang madumi saka bukas ako babalik okay lang?"
Inirapan ko naman siya na ikinatawa niya. Ayaw na ayaw niya na madumi ang dorm at maraming kalat. Madalas kasi na hindi ako magligpit.
Umayos ako ng upo at pumunta sa kama ko na nasa tapat naman ng kama niya.
"Oo naman, ayos lang, saka pamilya mo naman yun eh, kung gusto mo nga ay sa makalawa ka na bumalik, okay lang kasi andito naman si pocholo." Sabi ko.
Si Pocholo ‘yong pusa namin ni Jinie na ibigay ng mama niya sa amin.
Actually sa sobrang bait ng pamilya ni Jinie sa akin gusto na nga nila akong kupkupin.
Ulila na kasi ako iyong lola ko na umampon sa akin namatay tatlong taon na ang nakalilipas dahil sa heart attack. Tapos iyong mga anak ng Lola Rorario ko ay pinalayas ako, kasi sinisisi nila ako sa nangyari. Ako ang sinisisi nila kung bakit namatay si lola. Inangkin nila ang bahay at pinalayas ako, pagkatapos ay pinagbantaan pa na kapag bumalik ay papatayin ako.
"Sige, Betty aalis na ‘ko uuwian na lang kita ng chocolates mamaya, ha?" sabi sa akin ni Jinie.
Napakunot ang noo ko, nag-uuwi lang ng pasalubong ‘yan kapag may darating na tao. Nitong nakaraang buwan kasi ay nag-uwi din sa akin ng pasalubong si Jinie na mga tsokolate sinabi niya na galing iyon sa isang tita niya na nagbakasyon sa london.
"Pasalubong? Sino ang darating?" tanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang pag-irap ni Jinie at ang pagbuntong hininga nito. Kapag ganoon ang reaksyon niya ay naiinis na ito at iritado.
"Darating iyong halimaw."
Pabulong niyang sabi.
Nang humarap muli sa akin si Jinie ay nakangiti na ito.
“Oh sige, Betty! Alis na ako ha? Mag-iingat ka dito!” sabi nito.
“Mag-iingat ka, mukhang nariyan na rin naman sa baba si Mang Gilbert, natawagan mo na ba?” tanong ko sa kaniya.
Si Mang Gilbert iyong family driver nila. Tumango naman si Jinie sa akin bilang sagot at pagkatapos ay hinimas nito ang alaga naming pusa.
Nang makaalis si Jinie ay nahiga ako sa aking kama at pagkatapos ay tiningnan ko ang group chat namin ng mga choir. Bukas ng ala una ay mayroon kaming meeting sa music room, siguro ay magsisimula na kaming magsanay para sa ipeperform namin sa opening ng semester.
Ugh-- nag inat-inat ako at tumayo rin. Tinungo ko ang lamesa at naghanap ng makakain. Hindi na kasi ako kumain kanina sa school para makatipid, alam ko kasing may iniluto si Jinie dito sa apartment.
Nang maramdaman ko si Pocholo sa paanana ko ay yumuko ako at binuhat ang mataba naming pusa.
"Hello, Cholo!" Bati ko sa pusa namin.
"Meow meow.."
Ibinaba ko si Cholo at kumuha ako ng pagkain niya, siguro ay nagugutom na din ito. Nang makakuha ako ng pagkain ay nilagyan ko pagkainan niya. Kaagad na lumapit doon si Cholo at nagsimula na iyong kainin.
Nang tumingin ako sa orasan ay nakita kong alas onse na. Sumaglit lang ako kanina sa Kaisen para sa pagpapa-assess at pag-eenrol na din. Inagahan ko na para hindo ko masabayan ang haba ng pila. Mamaya ay gagayak naman ako para maghanda sa trabaho ko.
Nagtatrabaho kase ako sa isang coffee shop malapit lang dito sa dorm walking distance lang kaya ayos narin kailangan ko kaseng magtrabaho para sa pambayad ng pang araw-araw na gastos at pati na rito sa apartment.