Chapter 2

1032 Words
Betty Muli akong napatingin sa orasan. Mukhang mapapaaga ako ng punta sa coffee shop ngayon, wala na din naman kasi akong gagawin dito sa apartment. Nang magpalit na ako ng damit at nakapag-ayos ay kinuha ko na ang bag ko ready to go to work na ako. Inayos ko muna ang dorm at nilinis, ayaw kasi ni Jinie na iniiwan ‘tong magulo at marumi. "Cholo, bantayan mo ‘tong apartment, ha?" "Meow meow meow.” Sabi lang nito sa akin. Tinignan kong muli ang buong apartment namin ni Jinie, halos isang taon at kalahati na kami rito at hindi ko alam kung bakit mas pinipili pa rin ni Jinie na manirahan sa maliit na apartment namin kasama ko gayong mayroon silang mansion na bahay. Sinabi din sa akin noon ni Tita Anasthasia na walang problema sa kanila ang desisyon ni Jinie na mag apartemnt dahil ako naman ang kasama nito. Nang tanungin ko nga noon si Jinie kung nag-iisa itong babae ay tumango ito sa akin, sinabi din niya na mayroon siyang dalawang kapatid na lalake, ang pinakamatanda ay nasa ibang bansa at ang pinakabata o ang bunso nila ay kasamang naninirahan nila Tita Anasthasia sa Villa Del Rio. “Alis na ako, Cholo!” sigaw ko sa pusa namin ni Jinie. Pagkalabas ko at lock ng apartment ay isinusi ko naman iyonng lock ng bike ko, magbabike na ‘ko at medyo malayo rin kasi ang coffee shop dito sa apartemnt namin. Nang makaalis na ako sa apartment ay nagpapasalamat ako dahil hindi masyadong mainit ang panahon ngayon. Hindi masusunog ang balat ng lola ninyo. “Betty, ingat!” Napatingin ako sa mga ka-klase ko na naglalakad sa gilid, pinatunog ko ang bell sa bike at nginitian sila. “Salamat, Wena!” sigaw ko. Hindi naging madali ang buhay para akin, nahirapan ako lalo na at mag-isa kong nilabanan  ang bawat araw noon. Ilang beses na rin akong nagtiis ng gutom at ilang beses ginustong sumuko. Naiinggit ako noon sa ibang mga nakikita kong pamilya sa palengke, sama-sama silang kumakain, samantalang ako ay mag-isa lang at pinabayaan pa ng aking totoong magulang. Kapag madalas akong magkuwento kay Jinie tungkol sa nangyari sa buhay ko naiiyak na lang siya at sinasabi niya na ngayon naman ay kasama ko siya at maaari kong ituring na pamilya ang pamila niya. Nagpapasalamat ako kay Jinie dahil dumating siya sa buhay ko, napakabait niya at matulungin na kaibigan, Lalo na sila Boss Kaylee sila Ate Cindy at Kuya Rall. Hindi ako nakaramdam ng pagmamahal noon mula sa tunay kong ina dahil palagi niya akong pinagmamalupitan, Ang lolang umampon naman sakin kahit kaming dalawa lang ang magkasama sobrang saya, nagpapasalamat nga ako dahil siya ang umampon sakin eh. Hirap na hirap ako noon sa buhay, sa murang edad ay naobliga akong magtrabaho dahil sa aking ina. Sa bar nagtatrabaho ang mama ko at sa tuwing uuwi siya ay matutulog na lamang. Kailangan na may pagkain palagi sa lamesa, mayroong alak at mayroong sigarilyo. Ganoon ang araw-araw namin noon. Dapat ay nakahanda na ang lahat bago pa man siya dumating. Noong bata kasi ako sobra yung pinagdaanan ko sa magulang ko... "Ano ba Bettina! hindi ba sinabi ko sa ‘yong linisin mo ‘tong natapong tubig dito? ano ba ang ginagawa mo diyan gusto mo na namang masaktan ‘no?" Sigaw ng mama ni Betty habang umiinom ito ng alak. "S-sandali lang po ma, nag luluto po kasi ako ng kakainin natin." Sabi ni Betty sa ina. "Ahh! wala akong pakialam! linisin mo ‘to at aalis lang ako sandali!" Simula nang magkaisip si Bettina ay siya na ang gumagawa at nagtatrabaho sa bahay nila ang mama niya ay isang dancer sa club uuwi ito sa gabi ng lasing at kapag gising naman sa umaga ay alak ang ginagawa nitong tubig madalas din siyang napagbubuhatan nito ng kamay. "Betty, Betty, laro tayo may bago akong doll bigay ng papa ko." Tawag ng isa niyang kaibigan, ngunit gustuhin man niyang maglaro ay wala na siyang oras dahil sa dami ng kanynag tatrabahuhin sa kanilang bahay. "Pasensya na, wala kase si mama ang dami ko pang gagawin." Umalis nalang ang bata at si Betty naman ay bumalik sa pagtatrabaho, pagdating ng hapon ay dumating ang mama niya kasama ang isang matandang babae . "Ayan Aling Sena, isama mo na ‘yang anak ko, siya muna ang pambayad sa mga utang ko sa tindahan mo. Magaling maglinis at magluto ‘yan maaasahan mo ‘yan." Sabi ng Ina ni Betty. Nagulat si Betty sa sinabi ng mama niya mauulit na naman ang ginawa nito, ang gawin siyang pambayad sa mga utang nito sa mga kapitbahay nila. "Nako, sigurado ka siyang ha?  o siya, Betty, tara na at madami ka pang gagawin sa bahay." Sabi ng matanda kay Betty. Walang nagawa ang batang si Betty kundi ang sumunod na lang, ayaw niyang magkagalit sila ng mama niya kaya lahat ng gusto nito ginagawa niya ayaw din niyang malayo dito kaya kahit napagbubuhatan na siya ng kamay ay tinitiis lang niya. Lahat ng hirap at sakit tinitiis noon ni Betty hindi lang malayo sa mama niya pero dumating ang araw na kinakatakutan niya. "Mag empake ka." Sabi ng mama niya sa kanya. "Po? aalis po ba tayo?" "Hindi tayo ang aalis, ikaw lang." Sabi nito. Nagulat si Betty sa sinabi ng mama niya naisip niya na ipambabayad na naman siya nito sa utang. "Ipapadala  na kita sa bahay ampunan hindi na kita kayang buhayin." "P-pero mama." Sabi ni Betty. Hindi makapaniwala ang batang si Betty sa mga naririnig nito. "Huwag mo na ‘kong tawaging mama bilisan mo at mag empake ka na bilisan mo!” Nagsimulang umiyak si Betty at nagmakaawa sa mama niya. "Ayoko po! Ayoko! gusto ko lang nasa tabi niyo!" Kumapit siya sa binti ng mama niya para magmakaawa. "H-huwag mo’kong iwan mama." "Ano ba! tumigil ka nga!" sabi ng kaniyang ina at sinipa siya nito. "P-parang awa mo na mama, lahat gagawin ko lahat titiisin ko! k-kahit ipambayad mo ko ng paulit ulit sa mga utang mo mas pagbubutihan ko indi ako magiging pabigat .. b-basta wag niyo lang ako ipamigay.. m-maawa ka mama.."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD