Story By superjoyts
author-avatar

superjoyts

ABOUTquote
Always appreciate the gift of life, you are Blessed.
bc
Love at First Coffee
Updated at Aug 29, 2021, 09:35
Madaldal, maingay, palabiro at higit sa lahat hindi kaagad sumusuko sa mga problema. Iyan si Bettina Cassandra Diwata. Si Betty ay mag-isa na lamang sa buhay dahil bata pa lamang siya ay inabandona na siya ng kaniyang ina. Dinala siya ng kaniyang ina sa bahay ampunan at inampon siya ng isang matandang mayaman ngunit isang aksidente ang nangyari. Namatay ang matandang umampon sa kaniya. Natuto si Betty na tumayo sa sarili niyang mga paa nang palayasin siya ng pamilya ng umampon sa kaniya. Nagsikap si Betty sa buhay hanggang sa natagpuan siya ni Kaylee ang may-ari ng isang kilalang coffee shop sa city nila. Tinulungan siya ni Kaylee at binigyan ng trabaho, naging malapit siya rito pati na sa mga katrabaho niya. Isang araw ay bigla na lamang niyang nalaman sa kaniyang mga katrabaho na pupunta ang kanilang boss sa america para sa isang seminar at mawawala ito ng ilang buwan. Nais sana ni Betty na kausapin muna ito bago umalis ngunit nang umagang puntahan niya ang kaniyang boss ay iba ang nadatnan niya sa opisina nito. Isang estrangherong lalake ang kaniyang nakita. Dahil sa inakala niyang magnanakaw ang lalake ay binato niya ito ng mga bagay na nadadampot niya. Ngunit iyon pala ang pagkakamali ni Betty dahil ang lalake pala ay ang magiging bagong boss niya. Napatigil na lang siya nang sabihin sa kaniya ng estrangherong lalake na, "You are fired!" Matapos malaman na ang lalake pala ang magiging bagong boss nila ay ano na kaya ang mangyayari ngayon kay Betty?
like