Betty
Pagkayari ng lunch break, hindi ko na nakita si Hunter dahil hindi siya pumasok sa klase. Tinanong ko na sila Cole ngunit hindi rin nila alam kung saan ito pumunta. Nagtatalo ang aking isipan kung itetext ko ba siya o hindi.
“Hunter nasaan ka, nagaalala kami sayo.” (buburahin ang message)
“Nag-aalala ako.” (ngunit buburahin ulit ito)
I keep on thinking about the action of Hunter because there are times that he cares for me but suddenly he will turn cold like this one. Sa sobrang lalim ng aking iniisip hindi ko namalayan ang oras.
“Class as I was saying you have a research project about our topic today and I want you to group yourselves into two.” Saad ni Sir Bid. “You need to cooperate with your partner, okay?” dagdag nito.
“Yes, Sir.” Wika ng mga classmate ko habang kanya-kanyang ayos ng mga gamit para sa pag-uwi.
“Okay, class dismiss.” Anas nito bago umalis.
“Hey Jinie, partner tayo.” Nagpapacute na wika ko, ngunit binigyan lamang niya ako ng alanganing ngiti.
“Huwag mong sabihing ayaw mo.” Busangot na wika ko.
“Pasensiya na Betty, partner na kami ni Cole.” Nahihiyang anya nito.
Sa sobrang sama ng loob ko sa kanya nakanguso ko siyang tinalikuran habang nag-aayos ng gamit. Aba ang lola niyo pinagpalit ako.
“Uy, sorry na, pwede mo namang gawing kapartner si Hunter.” Pagpapacute na anya nito habang niyugyog ang aking kanang kamay.
“Di ba pwede si Elliot o kaya si Caden?” nagaalalang wika ko. Di ko pa kayang kausapin si Hunter dahil sa tuwina na lang na nakikita ko siya, bumibilis ang t***k ng puso ko.
“Magkapartner na silang dalawa eh.” Sabi nito. “Ayaw mo ba noon masosolo mo si Hunter.” Nambuburyong anya nito habang nakangiti. Pagkatapos marinig ang kaniyang sinabi, bigla na lang nag-init ang aking mukha.
“Hay nako Betty napakainosente mo talaga.” Naiiling na sabi nito.
“Hoy hindi ah huwag kang ano diyan, tara na nga.” Namumulang wika ko.
Sa aming paglalakad palabas ng campus, nakita ko na lang si Hunter na prenteng nakasandal sa kaniyang sasakyan na tila ba may hinihintay.
“Speaking of your prince charming, ayan na siya.” Nakangiting bulong ni Jinie sa akin.
“Berat ka, tigilan mo na nga ako.” Namumulang anya ko, habang hawak ng mahigpit ang aking shoulder bag.
“Mauna na ako sayo hah, sabay kami ni Cole today eh.” Nagmamadaling wika nito bago mabilis na lumakad papuntang gate. Ngunit tinapik muna nito ang balikat ni Hunter at tila may ibinulong bago umalis.
“Pero, wait Jinie.” Sigaw ko ng makita ko na lang itong naglaho.
Mula sa pagtingin kay Jinie, nalipat ito kay Hunter ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
“Hey.” Paos na bati nito habang ang malamlam niyang mga mata ay nakatutok sa akin. Sa sobrang nakakapasong titig nito hindi ko napigilan ang sariling kumuha ng lakas sa bag ko sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak dito. Hindi na naman matigil ang lakas ng t***k ng aking puso.
“Ah, a-ala ka kanina m-may research project tayo.” Nauutal at di makatinging saad ko, ngunit dahil sa biglaan niyang paghawak sa aking baba paharap sa kaniya hindi ko napigilan ang aking sariling tingnan ang kaniyang mga mata.
“Yeah, I heard from Cole, so you are my partner.” Maangas na wika nito. Sa sobrang pagkahalina ko sa kaniyang mga mata, wala sa isip na bigla na lang akong tumango-tango.
“Okay, its settled then, let’s go I will take you home.” Maawtoridad na anya nito. Nang bigla nitong hawakan ang aking mga kamay bigla na lang ako bumalik sa realidad.
“Wait lang, ano nga ulit yun.” Wala sa wisyong wika ko ngunit ng maisip ko kung ano yung sinabi niya, napataas na lamang ang kilay ko. “ayoko kitang kapartner.” Kinakabahang anya ko habang pilit na kinukuha ang kaliwang kamay mula sa kaniya. Ayoko dahil tiyak hindi ko na kayang protektahan ang puso ko mula sa kaniya.
“Oh, I don’t take no for an answer. Piggy.” Masungit na saad nito habang hinihila ako papunta sa kaniyang sasakyan.
“Ayoko nga.” Napipikang anya ko habang nakikipaghilahan sa kaniya. “Ano ba Hunter, di ako sasabay sayo.” Gigil na dagdag ko habang patuloy pa rin sa pagpalag sa hawak niya, ngunit mas hinigpitan lamang niya ito.
“Hunter, nasasaktan na ako.” Naluluhang sabi ko habang patuloy niya akong hinihila patungo sa kaniyang sasakyan. Tila natauhan naman ito kaya bigla niya akong binitawan. Ready na sana akong tumakbo ngunit nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
“Do not test my patience, woman.” Napipikang saad nito bago ako binuhat na parang isang sakong bigas at nagpatuloy sa paglakad.
“Hunter, ibaba mo ako.” Gigil na wika ko habang patuloy sa pagsuntok sa kaniyang likod. Maraming estudyante na ang nakatingin sa amin ngunit tila wala lang pakielam itong taong ito at patuloy lang sa paglakad.
“Shut up.” Sigaw nito habang patuloy na lumalakad palapit sa sasakyan. Pagkababa niya sa akin sa passenger seat, nagulat ako sa sumunod niyang sinabi “Cassy, sorry for yelling at you, I just want to have some alone time with you.” Malungkot na anya nito, habang nakatingin sa akin at ang aking mga kamay ay kaniyang hawak.
Sa nakikita ko na itsura ni Hunter para siyang may problema at mukha siyang pagod na pagod kung kaya tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti bago siya umikot papunta sa driver seat at nagsimulang magdrive.
Sa totoo lang hindi ako sanay kapag malungkot si Hunter dahil kapag ganito siya, gusto ko na lang siyang yakapin.
“I know I’m confusing you right now but please trust me okay.” Pagbasag nito sa katahimikan. Pagkarinig sa kaniyang tinuran hindi ko mapigilang harapin siya at tanungin sa kaniya ang matagal ng bumabagabag sa akin mula ng dumating si Camille.
“Hunter, what is your relationship with Camille?” seryosong tanong ko habang ang mga mata ay seryosong nakapokus sa kaniyang reaction. Alam ko narinig niya ang tanong ko dahil nakita kong humigpit ang kapit niya sa steering wheel.
“Just trust me on this.” Nahihirapang turan nito habang ang mga mata ay nakapokus lamang sa daan. Hindi man lang niya ako binigyan ng tingin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun mas pinili kong manahimik at bigyang pansin ang aming tinatahak na daan. Mahirap magbigay ng tiwala sa isang tao dahil kapag ito’y nasira mahirap na itong buuin muli.
“Ngunit ang sinasabi ng aking puso ay pagkatiwalaan kita Hunter at sana huwag mo kong biguin.” Saad ko sa aking sarili habang ang mga kamay ay nakahawak sa aking dibdib.