Chapter 19

1026 Words
Betty Si Hunter? nagawa ‘yon? Eh, pero... Siraulo pala to eh.. dun siya naniwala sa babae paano kung nagsisinungaling lang yon? ipinagpalit niya yung pagkakaibigan nila dahil lang don? "Gaano ka sigurado na nagsasabi ng totoo yung babaeng yon?" tanong ko. Kasi hindi ba? Maaring nagsisinungaling lang ‘yon! "Paano kung siya talaga yung unang nag-initiate ng halik at hindi si Hunter?" "Kinakampihan mo pa yon? kelan mo lang ba siya nakilala? hindi ba nito lang? tss.." "Oo. tama. pero kaysa naman sayo na sa tagal niyong nagsama. sa tagal ng pagkakaibigan niyo dapat alam mong hindi kayang gawin ng kaibigan mo yon." Bakit ko ba pinagtatanggol yung si saltik? Dapat wala akong pakialam sa kaniya eh. Natahimik si Collin sa sinabi ko. "Paano kung hindi nagsasabi ng totoo yung ex-girlfriend mo? tsk. nung nagpaliwanag ba si hunter pinakinggan mo?" sabi ko sa kaniya. Hindi na naman siya nagsalita. Kapag ganitong hindi siya kumikibo Mukhang tama ako sa mga iniisip ko. "Wala kang alam. kaya wag kang magsalita ng ganyan." Sabi niya sa akin. Aba’t! ako pa ang nasabihan na walang alam! Ako na nga itong nagmamalasakit at nakikipag-usap pa sa kaniya  kahit ganito mga sinasabi niya. "Oh di, sige ako na ang walang alam. pero Collin nagbibigay lang naman ako ng opinyon kase kung ako ang nasa posisyon mo pagpapaliwanagin ko muna yung kaibigan ko kase walang mangyayare kung puro galit ang paiiralin ko." Bakit paba ako nagsasayang ng laway sa gungong nato? eh matagal na ngang nangyare yon. magkaibigan nga sila ni hunter parehas silang may saltik. Nang hindi siya nagsalita tumalikod nako para lumabas gutom nako ang sabi ng kumag nato kakain daw kame at ibibigay yung ribbon ko pero nauwi kami sa reminisces niya. "S-sandali.." "Ano? gutom nako. wala naman palang pagkain dito hanep ka." Bigla naman siyang napatawa. "HAHAHAHA sorry nakalimutan ko na maglalunch nga pala tayo." Eh paano ba naman ang nasa utak lang naman ata niya yung tungkol sa girlfriend niya at ni hunter. pero sa palagay ko hindi naman magagawa ni hunter yon eh kahit may saltik yon hindi ko parin maisip na mang-aagaw ng babae yon hindi naman siguro siya desperado sa babae ano? hindi tulad nitong si Collin na kung magkwento parang kahapon lang nawalan ng jowa. Maya maya may kumatok sa pinto. Lumapit doon si Collin at binuksan nagulat pako kase yung itsura ng lalake bugbog yung mukha. Dios mi. gangster school batong school ni lolo o talamak lang ang mga bully? "C-Collin kase…" May itinuro yung lalake. Nanlaki naman yung mata ko ng makita si Hunter. ano nanamang ginagawa niya dito? sa lahat ba ng chapter ng storyang to kasama siya? "Ayaw kopo siyang papasukin kaso pinilit niya po ako eh." Sabi nung lalake. Pambihira nanakit pa! Lumapit sakin si hunter at hinitak ako at nilagay sa likod niya. Problema nito? "Kung gusto mong gumanti wag mo siyang idamay dito."- hunter Ako ba yung tinutukoy niyang wag idamay? Wow. Yung mapaglarong mukha ni Collin kanina sumeryoso na ngayon. "Gumanti? wala nakong balak gumanti. pero diba sabi ko sayo date kukuhanin ko kung ano yung nagpapasaya sayo?" Biglang humigpit yung taban ni hunter sa kamay ko. Ouchy. Lumapit si Collin kay hunter at may ibinulong siya. "Paano ba yan Ethan? gusto ko si Cassandra.. " Ano daw? hindi ko nadinig. text niyo nalang sa ‘kin mamaya, joke. Wala ng sinabi si hunter at hinila nalang ako paalis sa lugar nayon. Napaka pikon ng lalaking to ano kaya yung sinbi ni Collin sa kanya? "Hoy.. sandali lang.." "Hunter ano ba?" "Sinabi ng sandali lang eh!" Napahinto siya sa paghatak sakin dito kami napunta sa field. "Ano bang problema? maglalunch kami eh nagugutom nako bigla ka nalang nanghihitak diyan." "Diba sabi ko sayo wag kang lalapit kay Colllin!" Abat. "Hoy sinisigawan mo ba ko?!" "Wag mong ibahin ang usapan Cassandra. " Ugh- nakakainis na siya una sa lahat eh ano kung lumapit ako kay Collin? pangalawa ano naman sa kanya kung lumapit ako at pangatlo bakit ko siya kailngang sundin?! Magkamkuha lang pala yung una at pangalawa. "Hunter. hindi na kita boss. kaya bakit umaasta ka parin hanggang ngayon?" Hindi ko siya maintindihan. porke ba sinabi niya? kailangan kong sundin? ang gulo niya hindi ko siya mabasa lalo na yung expression niya parang lagi niyang tinatago yung nararamdaman niya. oo lagi siyang nandyan kapag kailangan ko ng tulong nung sa holdaper, sa bar at nung pinatuloy niya ako sa condo niya kase nandun sa apartment si mama.. pero.. hindi ko parin siya maintindihan .. Kaibigan ko ba siya o ano? "J-just dont talk to him. dont go near him. avoid him if possible.." "NAPAKA SELFISH MO!" Sigaw ko sa kanya at tinalikuran ko siya. pinahid kopa yung luha na hindi ko alam kung bakit pumatak. "Nakakainis" Naglakad ako paalis sa lugar nayon malayo sa kanya pero hindi ko inaasahang susunod siya. "Wait.. Cassy.. I'm sorry.." 0.0 "I'm sorry." *blin *blink.. Si hunter nagsosorry? "Ayoko lang na ikaw yung gamitin niya para maghiganti sakin. ayoko lang na madamay ka sa kung anong meron samin. I'm sorry kung napapasobra nako sa pag command sayo. " "P-pero bakit ako? wala naman akong kinalaman sa away niyo ah?" Hindi siya sumagot. "Huy? bakit ako? anong kinalaman ko dun? tsaka ano yung sinabi ni Collin kanina? yung binulong niya sayo?” "Pipi ba tong kausap ko?" "Nothing. wag mo ng itanong kung ano iyon at hindi ko rin naman sasabihin sayo. " Nagsimula na siyang maglakad. "Pero? *kruuuuuuu" Napahawak ako sa tiyan ko. "Ano yon?"- hunter Biglang tumunog iyong tiyan ko. Napatingin naman si hunter sa tiyan ko at umiling iling. SA GYM "Huncher... bat dicho mo naman ako dinala paya mumain?" "Tss.. dont speak when your mouth is full." *nom *nom Ang sarap MCDO pa yung inorder niya. "Hehe sorry.. " "Nga pala hunter hindi sa nanghihimasok ako ah? ano ba yung nangyare sa inyo nung high school at bakit galit sayo yung si Collin?" Tutal damay nako sa issue nayon edi makikitsismis nako. Huminga ng malalim si hunter. Nako baka confidential. "Okay lang wag mo na ikwe-- "He believe that I stole her girlfriend."        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD