Betty “Tama na nga ang drama, kaaga-aga eh umiiyak tayong dalawa.”saad ni Jinie. Natatawang pinunasan nito ang luha sa aking mga mata at pagkatapos ay ang sa kaniya. Parehas na lang kaming natawa ng magkatinginan. Habang pababa ng hagdan pinag-uusapan namin na lumabas ngayon dahil mamaya pa namang gabi ang party. Hindi kasi kami natuloy dahil kay Hunter, akala ko pa naman talaga magdedate kaming dalawa yun pala eh scam ang lalaking iyon. Hmpp, bahala siya mamaya may kasalanan pa siya sa akin. Subukan lang niyang hindi pumunta. Binati namin ni Jinie si Lolo at Papa ng mabungaran sa dining. Nangunot ang noo ko dahil pagkabati ko kila Papa hindi nila ako pinansin o binati pabalik na kadalasan nilang ginagawa. Nakaramdam ako ng kakaiba base sa atmospera ng paligid. Maingat na umupo ka

