Betty Pagkadating na pagkadating ng inumin namin, hindi pa man naibababa ng waiter ang order ni Jinie. Kinuha na niya ito sa kamay ng waiter, inangat ko ang kamay at pipigilin na sana siya ngunit tinungga niya na ang alak. Pumalatak ako dito. "Jinie, sabi ko naman sayo hindi ka pwede malasing."panenermon ko dito. Umasim ang mukha nito pagkainom ng alak. Tiningnan ako nito. "Promise. Hindi talaga ako magpapakalasing."saad nito. Umalis na ang waiter ng maibaba na nito ang ibang inumin. Kinuha ko ang fruit juice na naroroon at ininom sa straw. Pinapanood ko lamang si Jinie sa kaniyang pag inom. Mahirap na at baka malingat lang ako sandali, lango na pala ito sa alak. Napakabilis pa naman nitong uminom, akala siguro nito ay tubig lang ang iniinom. Alam ko naman na mataas ang alcohol tol

