Betty Nang pumatak ng alas kuwatro, naging abala na ang lahat sa mansiyon. Pagkalabas ko sa banyo pagkatapos mag shower, nakarobang naglakad ako sa kama kung nasaan naroon ang aking pambahay na ternong shirt and short na mickey mouse. Pagkabihis humarap ako sa salamin at nagblower ng buhok. Matatapos na ako sa pagboblower ng makarinig ng pagkatok sa aking pintuan. Pinatay ko ang blower. "Bakit?"sigaw ko dito. "Pinatatawag na po kayo sa baba."saad ng katulong. Binuhay ko ulit ang blower para makayari na ako bago bumaba. "Sige po, bababa na po ako."saad ko. Nang matapos na ako napagpasyahan ko ng bumaba. Nasa hagdan pa lamang ako, napansin ko na sa sala ang nasa tatlong kababaihan. Namukhaan ko ang isa na si Ate Lily na nakangiting nakatingin sa akin. Nginitian ko ito at naglakad

