Betty Dahil maaga pa at mamayang gabi pa ang party. Pinaunlakan ko na ang pagaya ni Jinie sa mall. Pagkakain agad kaming nagpaalam na dalawa kila Papa at Lolo. Sabay kaming umakyat para gumayak na nang sa gayon ay hindi kami gabihin. Pinauna ko na siyang maligo sa kuwarto samantalang sa guestroom na ako. Saktong pagbukas ko ng kuwarto para magbihis ay ang pagbukas ng banyo at paglabas dito ni Jinie. Nagkagulatan pa kaming dalawa na tinawanan lang namin. Busy ako sa pamimili ng susuotin samantalang naglolotion naman ito ng katawan. Napili ko ang isang komportableng black leggings na pinartneran ko ng white shirt at doll shoes. Humarap ako kay Jinie na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Humawak ang kanang kamay nito sa baba na tila nagiisip. "Alam mo beh? Wala ka man lang taste of fa

